Iniligtas ako ng Panginoon sa matinding kapahamakan-Bishop Antonio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 672 total reads

Tiniyak ni Ilagan Bishop David William Antonio na nasa mabuti siyang kalagayan makaraang maaksidente ang minamanehong sasakyan.

Sa mensahe ng obispo sa Radio Veritas nagpasalamat ito sa Panginoon sa pagsagip mula sa pinsala.

“Salamat sa Panginoon, ako’y nasa mabuting kalagayan, sa awa ng Diyos iniligtas ako sa matinding kapahamakan; God has preserved my life from harm, alleluia! Blessed be the name of the Lord!” mensahe ni Bishop Antonio sa himpilan.

Batay sa ulat ala una nang hapon nitong Abril 12 nang maaksidente ang sasakyan ng obispo makaraang sumabog ang gulong sa bayan ng Luna sa Isabela dahilan upang mawalan ng kontrol ang obispo bago tuluyang bumangga sa kasalubong na truck.

Ayon naman kay Fr. Ric-Zeus Angobung, chancellor ng diyosesis, nagmula si Bishop Antonio sa bayan ng San Mateo para sa maikli niyang pagpupulong.

Pauwi si Bishop Antonio sa kanyang tinutuluyan sa bayan ng Gamu ng mangyari ang aksidente.

Nagpasalamat naman ang obispo sa mga nagpaabot ng panalangin kasabay ng pagtiyak na nasa mabuti itong kalagayan lalo na sa mga taong nag-alala sa kanya.

“Mga kapatid, ako po’y taos pusong nagpapasalamat sa inyong mga panalangin para sa akin at sa lahat ng mga naglilingkod sa Simbahan. Damang-dama ko po ang inyong pagmamahal at pagmamalasakit,” ani Bishop Antonio.

Pinasalamatan din ng obispo ang lahat ng sumaklolo maging ang driver at may-ari ng trak.

Bukod sa Isabela pansamantalang pinangangasiwaan ni Bishop Antonio ang Apostolic Vicariate ng San Jose sa Mindoro.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 38,591 total reads

 38,591 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 136,299 total reads

 136,299 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 180,568 total reads

 180,568 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 203,677 total reads

 203,677 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 277,048 total reads

 277,048 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top