Pagtutulungan ng mamamayan, kailangan upang mawakasan ang COVID-19 pandemic.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 735 total reads

Kinaikailangan ng bawat mamamayan na magtulungan upang tuluyang mawakasan ang pandemya.

Ito ang panawagan ni Kalookan Bishop Pablo Virgio David sa publiko kasabay na rin ng paglalagay ng diyosesis ng mga health care desk sa kanilang mga parokya.

Ayon sa Obispo, layunin ng health ministry na tulungan ang health sector sa diocesan level dahil sa dami ng mga nahahawaan ng novel coronavirus.

“So minabuti namin na magtulong-tulong sa home care, kasi yun na lang talaga ang option ng mga tao-ang maghome quarantine,” ayon kay Bishop David.

Ito ay sa pamamagitan ng pagbuo ng mga volunteers na mula sa health care field na handang makipagtulungan sa parokya at pagtukoy sa mga nangangailangan ng tulong sa kanilang nasasakupan.

Paliwanag ng Obispo, ang health ministry ay magsisilbing pangpuno sa mga kulang lalu’t labis na ang mga pasyente sa mga pagamutan na nagresulta na rin ng five percent mortality rate.

“Kasi sa panahong ito, it’s pointless on putting the blame to anybody. Dapat ang attitude natin pag may kulang, magpuno,” ayon pa sa Obispo sa panayam ng programan Barangay Simbayanan.

Una na ring inilunsad ang Diocese ng Kalookan ang Comfradia de San Roque o CSR na tumututok sa nagbibigay tuon sa Pshycological first aid o counselling; health care monitoring at contact tracing.

Habang ang ‘health ministry’ naman ay ang pagkakaroon ng parehong programa sa lahat ng parokya ng diyosesis.

Ang Diocese ng Kalookan ay binubuo ng 36 na parokya at 15 mission stations.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 33,376 total reads

 33,376 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 131,327 total reads

 131,327 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 175,596 total reads

 175,596 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 198,705 total reads

 198,705 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 272,285 total reads

 272,285 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top