Pamahalaan, hinimok na ibilang sa vaccine rollout ang mga lingkod ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 694 total reads

Umaasa ang Association of Major Religious Superiors in the Philippines na ganap na kilalanin ng pamahalaan bilang fronliners ang mga madre at mga nagtalaga ng kanilang sarili sa buhay konsakrato.

Ayon kay AMRSP Co-Executive Secretary Rev. Fr. Angel Cortez, marami sa mga lingkod ng Simbahan na maituturing na Church frontliners ang sinusuong din ang panganib ng COVID-19 pandemic upang maipahatid at maipadama sa mga nangangailangan ang pagmamahal at awa ng Panginoon.

Ipinaliwabag ng Pari na dapat ring kilalanin ang pagsusumikap ng lahat na mapagaan ang nararanasang paghihirap ng mga kapus-palad at mga nahawaan ng virus na lubos na apektado ng pandemya.

“Tayo ang Simbahan, kabahagi ng Simbahang ito ang mga layko at nagtalaga ng kanilang buhay sa pagpapari at pagmamadre at buhay konsakrato. Marami sa kanila ang sinusuong ang delikadong sitwasyong ito upang maihatid ang mainit na pagmamahal ng Diyos lalong lalo sa mga kapus palad, maging sa gawaing pang esperitwal man o kawang gawa. Sila ang mga tinatawag nating Church frontliners na handang magbigay ng sarili na hindi nag-aantay ng kapalit.” pahayag ni Fr. Cortez sa panayam sa Radio Veritas.

Panawagan ng Pari ang pagkilala sa lahat ng lingkod ng Simbahan bilang mga frontliners at bigyang halaga lalo na sa kasalukuyang vaccine program ng pamahalaan.

“Panawagan po sa gobyerno na huwag naman kalimutan ang mga taong Simbahan na nagbibigay ng kanilang serbisyo para sa Diyos at para sa bayan. Kilalanin po natin sila at nawa’y masama sa A4 na nararapat sa kanilang ginagampanan. Salamat po sa pakikinig at pang unawa.” Dagdag pa ni Fr. Cortez.

Batay sa pinakabagong inaprubahang priority group ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ay ang pagkakapabilang sa A4 priority group ng mga guro, commuter transport workers, market vendors, mga kawani ng mga grocery stores, supermarkets, mga kabilang sa mga delivery services kasama na rin ang mga pari, rabbis at iba pang mga lider ng iba’t ibang denominasyon, media workers, Overseas Filipino Workers at mga security guard sa mga ahensya at organisasyon na itinuturing na priority industry ngayong panahon ng pandemya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 32,043 total reads

 32,043 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 130,045 total reads

 130,045 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 174,314 total reads

 174,314 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 197,423 total reads

 197,423 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 271,039 total reads

 271,039 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top