Pagpapalaganap ng kindness station, ipinagdarasal ng Caritas Philippines.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 653 total reads

Pinuri ng NASSA / Caritas Philippines ang inisyatibo ng mga nagpasimula ng community pantry sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa gitna ng panahon ng pandemya.

Ayon kay Caritas Philippines National Director Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, kamangha-mangha ang pagpapamalas ng pagkakaisa, pagtutulungan, kabutigan at pagbibigayan ng lahat sa komunidad upang makatulong sa mga nangangailangan at kapos sa buhay.

“we are very happy and thankful that our communities never cease to bring out the innate generosity, kindness and compassion in everyone even at a time when poverty is most visible.” Ang bahagi ng pahayag ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo.

Ibinahagi ng Obispo na ang ipinapamalas na pagbabayanihan ng mamamayan sa gitna ng pandemya ay isang maka-Kristiyanong paraan ng pagtugon sa pangangailangan ng kapwa.

Paliwanag ni Bishop Bagaforo, may kapangyarihan ang bawat isa na maging daluyan ng awa at pagmamahal ng Panginoon upang mapagaan ang pinagdadaanan ng kapwa.

Dahil dito umaasa ang Obispo na magpatuloy ang mabuti at kahanga-hanggang inisyatibong ito ng mga mabubuting indibidwal, grupo, samahan, pamilya at komunidad upang matiyak ang kapakanan at kabutihan ng kapwa.

“As a people, we are powerful. Hence, we continue to call on all individuals, families and communities to establish these kindness stations or whatever you want to call it. The important thing is, as a Christian nation, we collectively look and reach out for our neighbors. At Caritas Philippines, we call it alay kapwa,” Dagdag pa ni BIshop Bagaforo.

Sa kasalukuyan may aabot na sa halos 80 ang mga community pantry na itinayo sa iba’t ibang lugar sa bansa mula ng nagsilbing huwaran ang Maginhawa Community Pantry sa Maginhawa, Quezon City na nagsimula noong ika-14 ng Abril, 2021.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 37,494 total reads

 37,494 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 77,854 total reads

 77,854 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 198,432 total reads

 198,432 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 248,790 total reads

 248,790 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 375,128 total reads

 375,128 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top