Obispo, dismayado sa profiling ng otoridad sa nagtatag ng community pantries

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 765 total reads

Dismayado si Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa isinagawang profiling ng mga otoridad sa mga nagtatag ng community pantries.

Ayon kay Bishop Pabillo ipinakikita ng pamahalaan ang kawalang pagmamalasakit sa mamamayan dahil hinahadlangan ang pamamaraan ng mga tao na matulungan ang bawat isa.

Ayon sa Obispo, dapat suportahan ng pamahalaan ang magagandang inisyatibo ng mamamayan upang mabawasan ang paghihirap ng mga nasasakupan.

“Sa halip na ito’y tulungan, sa halip na isulong nandiyan na naman ang red-tagging; ganoon ka-insecure ang ating pamahalaan, ang ating kapulisan na kapag may ginagawa para sa tao sinasabi nila na iyan ay laban sa gobyerno,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Iginiit ng tagapangasiwa ng arkidiyosesis na maganda ang hangarin sa pagtatayo ng community pantries para tulungan ang mga labis naapektuhan ng pandemya.

Nitong Abril 20, pansamantalang itinigil ang operasyon sa Maginhawa Community Pantry na sinimulan ni Patricia Non dahil sa pangamba sa seguridad ng mga kasamahang volunteers makaraang tatlong kawani ng Philippine National Police ang nag-iimbestiga kung anong grupo ang nasa likod ng community pantry.

Lantaran din ang red-tagging sa mga community pantries sa mga social media pages sa pangangasiwa ng ilang ahensya ng gobyerno kabilang na ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Panawagan ni Bishop Pabillo sa pamahalaan at militar na gamitin ang malaking halaga ng pondong alokasyon sa pag-iimbestiga hinggil sa terorismo.

“Iyong mga pulis, militar at pamahalaan, malaki ang kanilang budget, mga anti-subersive funding dapat gamitin ito sa pag-iimbestiga, hindi iyong basta-basta mag redtagged ng mga tao o grupo,” ani Bishop Pabillo.

Una nang pinabulaanan ni PNP Chief Debold Sinas ang profiling at tiniyak na paiimbestigahan ang naturang insidente.

Nakipag-ugnayan na rin si Quezon City Mayor Joy Belmonte kay Non kasunod ng paghingi ng tulong sa lokal na pamahalaan para sa kaligtasan.

Suportado ng alkalde ang community pantries sapagkat makatutulong ito sa pangangailangan ng mamamayan at pagpapakita ng bayanihan sa panahon ng higit nangangailangan ang kapwa.

Bago maging patok sa mga komunidad ang community pantries, una nang naglunsad ang Caritas Philippines noong Marso 2020 nang ‘Kindness Station’ na kahalintulad na konsepto sa community pantry

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 36,755 total reads

 36,755 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 134,543 total reads

 134,543 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 178,812 total reads

 178,812 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 201,921 total reads

 201,921 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 275,377 total reads

 275,377 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top