Pagkawala ng moral values dahilan ng pagkasira ng kalikasan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,811 total views

Tiniyak ng Diocese of Tandag ang pakikibahagi ng diyosesis sa pangangalaga at pagbibigay proteksyon sa kalikasan na ipinagkaloob ng Panginoon sa sangkatauhan.

Sa pastoral statement ni Tandag Bishop Raul Dael kaugnay sa paggunita ng Earth Day 2021 ay binigyang diin ng Obispo ang pagsusulong ng integral ecology na pagkakaroon ng malalim na ugnayan ng buhay ng bawat nilalang at ng likas na yaman.

Ayon sa Obispo, ang pagkasira ng kalikasan ay nagsisimula sa pagkasira at unti-unti pagkawala ng human values at pagpapahalaga sa iniatang na responsibilidad ng Panginoon na pangasiwaan at alagaan ang sanilikha.

“Degradation of the environment is primarily costs by the erosion of human values that no longer acknowledge our creaturehood that entails relationship with the creator and responsibility towards creation. For these reason the Church of Tandag commits herself to the integral ecology that promotes the fullness of the human person with his or her God given rights and the flourishing of creation.” pahayag ni Bishop Dael.

Inihayag ni Bishop Dael na ang pagkakaroon ng maayos na ugnayan ng bawat nilalang at ng sangkalikasan ay isang magandang bahagi ng pagpapamalas ng pananampalataya.

Iginiit ng Obispo na mahalaga ang kagyat na pagtugon ng bawat isa upang agad na masolusyunan ang lumalalang suliranin ng climate change.

“We consider the healthy relationship with creation as an essential dimension of our faith that leads us to the path of conversion until we mirror the image of God in us and build a human family with a world livable for all. Climate change is a reality the world is urgently facing due to unbridled human activities, like most parts of the globe the country has exhibited risking temperatures and the tropical cyclones occurring in the Philippine Area of Responsibility have increased in number.” Dagdag pa ni Bishop Dael.

Ibinahagi ng Obispo na bukod sa pagkakaroon ng mas malalakas na bagyo at matinding tagtuyot ay nagdudulot rin ang climate change ng pagkasira ng natural na tahanan ng may 1,768 Filipino wildlife na kinabibilangan rin ng ilang critically endangered species.

Tinukoy ni Bishop Dael ang sitwasyon sa Surigao Del Sur na sa kabila ng ipinagkaloob na natural na yaman ng Panginoon ay humaharap ang lalawigan sa pagkasira at ecological crisis dahil sa illegal logging at open-pit mining na bumibiktima sa mga mahihirap na kumunidad.

“Surigao Del Sur is one of the provinces gifted with abundant natural resources and magnificent beauty of nature that lavishly nourished its inhabitants, however like in other places in the world we are also facing an ecological crisis that threatens the lives of the people particularly the poor in their access to potable water, arable land, productive marine life and health environment due to the paradigm life that prioritizes profit than people.” Pagbabahagi pa ni Bishop Dael.

Tema ng Earth Day 2021 ngayong taon ang “Restore Our Earth” na layong maisulong ang agarang pagtugon sa climate emergency.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 52,668 total views

 52,668 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 177,079 total views

 177,079 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 219,241 total views

 219,241 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 296,795 total views

 296,795 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Community pantry, pinalawak ng CMSP

 3,227 total views

 3,227 total views Patuloy ang pagsusumikap ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) para sa programa nitong “CMSP CARES,” na isang community pantry na

Read More »
Scroll to Top