Red tagging sa organizers ng community pantry,gawain ni Satanas-Bishop Bacani

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 530 total views

Ang red-tagging at pag-aakusa ng walang batayan sa mga organizers ng community pantries sa bansa ay maituturing na gawa ni Satanas.

Ito ang binigyang diin ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa red-tagging at profilling laban sa nagsasagawa ng mga community pantries sa bansa ngayong panahon ng pandemya na may batayang biblikal sa ginawang pagpapakain ni Hesus sa mahigit 5,000 indibidwal sa disyerto.

“Sa totoo lang palagay ko lang ito, yan [red-tagging sa mga community pantry organizers] ang gawa ni Satanas, yan ang gawa ni Satanas sapagkat alam mo yang community pantry na yan mayroon ng biblical roots yan talaga, ang unang biblical roots niyan alam mo yung feeding of the 5,000 [in the desert]” pahayag ni Bishop Bacani sa panayam sa Radio Veritas.

Ayon sa Obispo, gawain ni Satanas o ng demonyo na sirain at pigilan ang gawang mabuti ng Panginoon tulad ng mabuting layunin ng community pantry na nagsilbing inspirasyon upang magkaroon ng halos 350 iba pang mga community pantries. Dinabi ni Bishop Bacani na ang ipinapamalas ng mga Filipino na bayanihan at pagtutulungan ay ang nais ng Panginoon na makitang tugon mula sa sambayanang Kristiyano sa oras ng pangangailangan at kagipitan.

“Si Satanas ang gagawin niya sisirain niya yan, akalain mo naka-350 hindi ko naman sasabihin na copies o imitation but mga nainspire na dito [sa community pantry] at yung balita ko pati daw sa Timor Leste ibang bansa na yan umabot na. Gusto ng Panginoon ipakita na sa oras ng pangangailangan ang mga Kristiyano na rin ang magtutulungan at syempre nais ng demonyo na sirain yan at takutin pati na yung mga nagpapalaganap ng tamang ideya ng pamumuhay bilang isang sambayanang Kristiyano.” Dagdag pa ni Bishop Bacani.

Ibinahagi ng Obispo na ang ipinapamalas na pagtutulungan at pagkakaisa ng mga simpleng mamamayan para sa lahat ng mga nangangailangan ay isang magandang pagpapamalas ng Kristiyanismo na inihandog ng Panginoon sa mga Pilipino 500-taon na ang nakakalipas.

Partikular din kinilala ni Bishop Bacani ang mabuting inisyatibong sinimulan ni Ana Patricia Non na siyang organizer ng unang community pantry sa Maginhawa, Quezon City.

Ikinalugod din ng Obispo na malaman na nagtapos si Non sa Paco Catholic School na isa sa Katolikong paaralan na mariing nagtuturo ng kabutihang asal at mga turo ng Panginoon sa mga mag-aaral.

“Yan ang isa sa pinakamagandang handog ng Diyos sa mundo, dito sa Pilipinas pinakamagandang handog yan sa mundo at tamang-tama sa 500 years of Christianity itong mga ganito ang mga kitang-kita natin biyaya ng Diyos at alam mo pinagmamalaki ko din na itong si Ana Patricia Non graduate pala ng Paco Catholic School wow tuwang tuwa ako nung malaman ko yan sapagkat that is how a Christian and a Christian leader should act, mahiya naman ang mga nag-re-red-tagging sa mga community pantries.” ayon pa kay Bishop Bacani.

Binigyang diin naman ni Bishop Bacani ang patuloy na pagpapamalas ng disiplina ng bawat isa at pagsunod sa mga ipinatutupad ng mga safety health protocol upang maiwasan ang higit pang pagkalat ng COVID-19 virus sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 55,043 total views

 55,043 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 179,454 total views

 179,454 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 221,544 total views

 221,544 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 298,914 total views

 298,914 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Community pantry, pinalawak ng CMSP

 3,488 total views

 3,488 total views Patuloy ang pagsusumikap ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) para sa programa nitong “CMSP CARES,” na isang community pantry na

Read More »
Scroll to Top