Alamin ang kondisyon ng kalusugan-health expert

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 591 total reads

Dapat laging isa-alang alang ng mga may tinatawag na Comorbidities at ng mga Senior Citizen ang pangangalaga ng kanilang kalusugan lalo na dahil sa tumataas na bilang ng mga naapektuhan ng Covid19 sa bansa.

Ayon kay Dr. Gene Nesperos ng Philippine General Hospital at nagtuturo ng Community Medicine sa UP Manila College of Medicine, mahalaga ang pagkakaroon ng wastong kaalaman ukol sa kondisyon ng ating kalusugan.

Sa programang All Rights sa Caritas in Action kasama ang Ideals Inc., tinalakay ni Dr. Nesperos, ang kahulugan ng Comorbidities at bakit lagi itong prayoridad sa mga sinusuri sa Covid19 at maging sa pagbibigay ng bakuna.

Ipinaliwanag ni Dr. Nesperos na ang pagkakaroon ng Comorbidities o sakit na ginagamot sa pamamagitan ng maintenance medicine ay nagiging kumplikasyon upang mas mapahina ang ating immune system na dahilan upang madaling tamaan ng Covid19 ang isang indibidwal lalo na ang mga nakatatanda.

[smartslider3 slider=21]

“Ang mahalaga sa mga taong may edad ay malaman kung may comorbidities sila ito yung mga sakit na kahit gamutin mo ay tuloy-tuloy hindi titigil hindi tulad ng impeksyon na kapag ginamot mo uminom ka ng antibiotic okay ka na. eto kahit bumaba na sa normal ang BP mo [Blood Pressure] o sugar mo balik na sa normal tataas ulit yan magkakaroon pa din ng problema saka kapag may edad na tayo ang iniwasan natin hindi lang yun sakit kundi yung kumplikasyon ng sakit.. kapag hindi na-control yun comorbidity nagiging kumplikado at yun yung nagiging bulnerable ka sa Covid kasi mahina na katawan mo.” Ani Dr. Nesperos.

Naniniwala si Dr. Nesperos na mahalagang mabakunan ang mga may karamdaman at mga seinor citizen sapagkat ang pagkakaroon ng proteksyon ng mga ito ay malaking tulong upang pababa ang bilang ng mga naapektuhan ng pandemya.

“Sila yun inuuna kasi sila yun gusto nating iligtas, pero sila yun may malaki ang pakinabang kasi kung mabakunahan sila bumaba yun tiyansa na maging malalang Covid yan o ikamatay mo malaking tulong na yan sabi nga sa laban sa Covid ano mang proteksyon ang makuha mo malaking tulong na talaga” dagdag pa ni Dr. Nesperos na isa din Community Medicine Practioner.

Batay sa datos nasa mahigit 1.5 Million na ang nabakunan sa Pilipinas kung saan ang mga napabilang dito bukod sa mga health care workers ay mga senior citizen at mga taong may karamdaman o comorbidities.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 37,086 total reads

 37,086 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 68,357 total reads

 68,357 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 145,948 total reads

 145,948 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 240,176 total reads

 240,176 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 299,277 total reads

 299,277 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 100,113 total reads

 100,113 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top