Tularan si San Jose-Bishop Varquez

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 766 total reads

Isang pambihirang pagkakataon ang idineklarang Year of St. Joseph ni Pope Francis ngayong taon upang higit pang mapalalim ang pagkilala at debosyon kay San Jose.

Ito ang bahagi ng pagninilay ni Diocese of Borongan Bishop Crispin Varquez kaugnay sa paggunita ng Year of St. Joseph ngayong taon at nakatakdang pagtatalaga ng bansa sa pangangalaga ni San Jose sa Mayo-a-uno.

Ayon sa Obispo, malaki ang papel na ginampanan ni San Jose sa pagsasakatuparan ng pangakong kaligtasan ng Panginoon sa sanlibutan sa pagkakaloob ng kanyang sarili upang maging katuwang ng Mahal na Birheng Maria sa pangangalaga at pag-aaruga kay Hesus na tagapagligtas ng sangkatauhan.

Ayon kay Bishop Varquez, ang pagmamahal at pagiging buo at masayang pamilya ang humubog kay Hesus upang matupad ang misyon na iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan sa pamamagitan ng pagkamatay sa krus.

“Ibinigay ni San Jose ang buo niyang sarili sa pagkalinga kay Hesus at Maria ang Banal na Familya sa Nazareth. Bilang mga magulang ni Hesus, si San Jose kasama ang Mahal na Birheng Maria ang nag-provide kay Hesus ng mga karanasan ng tunay na pagmamahal at pagkalinga mula ng isinilang siya. Ang mga pagmamahal na naranasang ito sa isang pamilya ang humubog at nagbigay lakas sa kanya upang matupad ang kanyang misyon hanggang siya’y namatay sa krus.” pahayag ni Bishop Varquez.

[smartslider3 slider=21]

Binigyang diin naman ng Obispo na hindi nagtapos sa pagkamatay ni Hesus sa krus ang pagkalinga ni San Jose sa malaking pamilya na itinayo ni Hesus bilang Simbahang Katoliko.

Bukod sa pagpapalalim ng debosyon kay San Jose, hinihikayat rin ni Bishop Varquez ang bawat isa na tularan ang mabuting halimbawa ni San Jose na naging tapat at katiwa-tiwalang taga-sunod ng Panginoon sa misyong iniatang sa kanyang buhay.

“Nanatili ang dakilang pagkalinga ni San Jose sa malaking pamilya na tinayo ni Hesus, ang Simbahang Katoliko. Patuloy nating damhin at aasahan ang tulong ni San Jose sa pamamagitan ng kanyang panalangin. Palalimin natin ang ating debosyon sa kanya. Tularan natin ang kanyang halimbawa.” Dagdag pa ni Bishop Varquez.

Ang taong 2021 ay idineklara ni Pope Francis na Year of St. Joseph mula December 8, 2020 hanggang December 8, 2021 kasabay ng paggunita sa ika-150 anibersaryo ng pagkakadeklara kay San Jose bilang Patron ng Simbahang Katolika.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 37,054 total reads

 37,054 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 68,325 total reads

 68,325 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 145,919 total reads

 145,919 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 240,147 total reads

 240,147 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 299,249 total reads

 299,249 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 22,771 total reads

 22,771 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top