Hospicio de San Jose, nagpaabot ng pasasalamat sa mga donors

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 566 total views

Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Hospicio de San Jose sa mga kagyat na nagpaabot ng tulong at mga donasyon para sa pinakamatandang charitable institution sa bansa mula ng maitatag ito taong 1810.
Sa panibagong pahayag ng institusyon, nilinaw nitong ika-15 ng Marso ng nakalipas na taon pa nagdeklara ng self-lockdown ang Hospicio de San Jose upang maiwasang kumalat sa institusyon ang COVID-19 virus.
Gayunpaman, kinailangan na magpatupad ng mas mahigpit na lockdown sa isla noong ika-21 ng Abril ng kasalukuyang taon dahil sa pagpopositibo sa virus ng ilang mga kawani ng institusyon.
Paglilinaw ng pamunuan ng Hospicio de San Jose bagamat umaabot na sa 23-ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Isla Convalencencia ay wala pa namang nasasawi sa mga ito, taliwas sa mga naging unang ulat sa publiko.
Samantala, patuloy namang umaapela ang pamunuan ng Hospicio de San Jose para sa mga tulong at donasyon upang mapunan ang mga pangangailangan ng nasa 500 indibidwal sa Isla Convalencencia na binubuo ng mga kawani at mga tagapangasiwa ng Hospicio de San Jose na tumututok sa apat na pangunahing programa na pinangangasiwaan ng Daughters of Charity of St. Vincent de Paul.
Kinabibilangan ito ng Child and Youth Welfare and development Program kung saan may inaaruga na nasa 87 mga bata; Program for Persons with Special Needs na mayroong 48 inaarugang Persons with Special Needs; Program for Older People kung saan may 65 matatanda rin ang inaaruga; at Crisis Intervention Program kung saan may inaaruga ang institusyon na 29 na kabataang dumanas ng pang-aabuso, 150 mga palaboy at 2 persons in crisis situations.
Attached Official Statement of Hospicio de San Jose:

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 15,950 total views

 15,950 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 44,301 total views

 44,301 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 112,031 total views

 112,031 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 135,182 total views

 135,182 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 204,255 total views

 204,255 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top