Pasalamatan ang panginoon sa biyaya ng pamilya, apela ni Archbishop Palma sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 671 total reads

Binigyang diin ng arsobispo ng Cebu na dapat pasalamatan ang Panginoon sa biyaya ng pamilya.

Ito ang pagninilay ni Archbishop Jose Palma sa pagdiriwang ng kapistahan ni San Jose Manggagawa at Pagtatalaga ng bansa sa pangangalaga ng santo.

Hiniling naman ng arsobispo na ipagdasal ang bawat isa upang maging tagapagdala at tagapagtaguyod ng misyon ng pamilya.

“If we have no chance to choose our families because we do not choose our parents nor our brothers and sisters, we can only pray that each one of us may be an instrument to bring about good in the family, renewal for the better, holiness, love and harmony,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Palma.

Ipinaliwanag ng arsobispo na mahalagang dumulog kay San Jose sapagkat ito ang pinagkatiwalaan ng Diyos Ama na maging tagapangalaga ng Banal na Mag-anak dito sa mundo.

[smartslider3 slider=22]

Sa panahong nahaharap ang mundo sa matinding krisis dulot ng coronavirus mahalagang pagtibayin ang samahan ng bawat pamilya upang maging matatag at magbigay pag-asa sa bawat isa.

Hinimok ni Archbishop Palma ang mananampalataya na hingin ang tulong ni San Jose sa pagpapatatag ng mga pamilya.

“We plead for his [St. Joseph] intercession to journey with us, to assist us in difficult times. We come to St. Joseph in this Act of Consecration. It is our way of saying, ‘St. Joseph, just as God has appointed you to care for the Holy Family, make us as well your family,” ani ng arsobispo.

Sa kapistahan ng santo, pinangunahan ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Davao Archbishop Romulo Valles ang National Consecration to St.Joseph habang isang banal na misa naman ang pinangunahan ni Archbishop Pama sa National Shrine of St.Joseph sa Mandaue City, Cebu. Ang pagtatalaga ng bansa sa pangangalaga ni San Jose ay kasabay ng pagdiriwang ng Year of St. Joseph na idineklara ni Pope Francis noong Disyembre 8, 2020 hanggang Disyembre 8, 2021.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 13,122 total reads

 13,122 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 70,464 total reads

 70,464 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 155,830 total reads

 155,830 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 202,566 total reads

 202,566 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 250,438 total reads

 250,438 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 350,923 total reads

 350,923 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top