2 Pari sa Diocese of Malaybalay, namatay sa COVID-19…kaparian at mananampalataya, hinimok na sumunod sa safety health protocols

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 651 total reads

Pinaalalahanan ng Diyosesis ng Malaybalay ang mga simbahan at mananampalataya na mahigpit sundin ang safety health protocol upang makaiwas sa coronavirus disease.

Sa direktiba ni Msgr. Noel Pedregosa, STL ang kasalukuyang tagapangasiwa ng diyosesis, hinimok nito ang mga pari at nasasakupang mananampalataya na mag-ingat lalo’t patuloy ang paglaganap ng virus.

Nagluksa ang diyosesis sa magkasunod na pagpanaw ng dalawang parish priest na sina Fr. Jojo Brigoli at Fr. Pablo Salengua na pawang nasawi sa COVID-19 noong Mayo 2 at 4.

“Mahigpit nating ipatupad at sundin ang mga protocol sa pandemya tulad ng pagsusuot ng face mask, pagsunod sa social at physical distancing sa bawat pagdiriwang ng Banal na Misa at mga Sakramento, paggamit ng hand sanitizers o alcohol at pagsunod sa limitasyon ng bilang ng mga maaaring makadalo sa mga pagdiriwang,” bahagi ng pahayag ni Msgr. Pedregosa.

[smartslider3 slider=21]

Suspendido rin ang pagtitipon sa mga parokya at catholic schools maliban sa Banal na Misa. Maaaring magsagawa ng pagpupulong ang mga Parish Pastoral Council (PPC) at mandated religious organizations batay na rin sa desisyon ng mga Kura Paroko.

Ipinagbabawal din ang pagsasagawa ng misa sa bahay,sa mga pribado at pampublikong tanggapan sa halip hinikayat ang mamamayan na dumalo sa mga parokya at kapilya.

“Para sa mga pari, i-maintain ang safe distance sa mga tao before, during at after ng Misa. Ipinagbabawal din ang pag-accommodate sa bahay kung may sponsors para sa pagkain pagkatapos ng mga misa sa halip maaaring maghanda ng pagkain sa labas ng mga kapilya” dagdag pa nito.

Inatasan din ang mga kura paroko na limitahan ang mga maglilingkod sa mga misa upang matiyak ang safe distance ng bawat tao sa loob ng simbahan.

Ipinagpaliban din ng diyosesis ang nakatakdang kumpil sa mga catholic schools at public schools mula ngayong Mayo hanggang sa Agosto subalit pinapayagan ng diyosesis ang mga parokya na magsagawa ng kumpil batay sa itinakdang bilang mga tao sa loob ng simbahan at pagsunod sa safety measures.

Pinahahalagahan ng diyosesis ang kalusugan ng mamamayan at maging sa mga pastol ng bawat parokya bilang bahagi ng pag-iingat.

“Maaaring bawasan ang schedule sa misa ng mga pari na may comorbidities at may iniinom na maintenance medicine, pinakamarami na ang tatlong misa sa araw ng Linggo habang isang misa naman sa bawat araw mula Lunes hanggang Sabado,” ani Msgr. Pedregosa.

Hinikayat din ang bawat isa na makipagtulungan sa mga Local Government Units at Barangay lalo na kung na-expose sa mga indibidwal na nagpositibo sa virus. Patuloy na humiling ng panalangin ang diyosesis para sa kaligtasan ng bawat isa.

Pansamantalang pinangasiwaan ni Msgr. Pedregosa ang Malaybalay makaraang italaga ni Pope Francis si Bishop Jose Cabantan bilang arsobispo ng Arkidiyosesis ng Cagayan noong 2020. Ang Diyosesis ng Malaybalay ay binubuo ng 54 na mga parokya, 97 mga pari na nangangasiwa sa mahigit isang milyong katoliko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 4,837 total reads

 4,837 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 36,112 total reads

 36,112 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 115,833 total reads

 115,833 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 210,059 total reads

 210,059 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 270,412 total reads

 270,412 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 37,882 total reads

 37,882 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top