500 bahay, itatayo ng Diocese of Virac sa mga biktima ng kalamidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,447 total reads

500 bahay para sa mga naapektuhan ng kalamidad ang hangad na maipagawa ng Diocese of Virac sa Catanduanes sa pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Ito ang ibinahagi ni Caritas Philippines Virac Director Rev. Fr. Renato Dela Rosa sa panayam ng programang Caritas in Action.

Ayon kay Fr. Dela Rosa, hangad ni Virac Bishop Manolo Delos Santos na makapagpagawa ng hindi bababa sa 500 bahay para sa kanilang kababayan na laging nawawalan o nasisira ang mga bahay tuwing may dumadaan na kalamidad gaya ng malalakas na bagyo.

Ikinagalak ni Fr. Dela Rosa ang suporta ng Caritas Manila at iba pang mga Church organization sa proyektong ito na nataon din sa ik-500 taon ng kristiyanismo sa bansa.

 

[smartslider3 slider=22]

 

“Itong for shelter natin maraming nabigay na tulong ang Caritas Manila ito po hanggang ngayon patuloy na ginagawa sapagkat meron tayong a in relations sa 500 years of Christianity in the Philippines. Ang ating butihing obispo Manolo Delos Santos ang kanyang pangarap at least 500 units ang magawa natin para doon sa mga bulnerable na pamilya na ilang beses at paulit-ulit natin natutulungan dahil ang kanilang mga bahay ay yari sa light materials” pagbabahagi ni Fr. Dela Rosa.

Magugunitang labis na napinsala ang lalawigan ng Catanduanes ng manalasa ang bagyong Ulysses at Rolly noong taong 2020 kung saan mahigit sa 10- libong kabahayan ang naapektuhan.

Sinabi din ni Fr. Dela Rosa na maliban sa pa-bahay ay kumikilos din ngayon ang kanilang tanggapan para sa mga proyektong pangkabuhayan gaya ng pagbibigay ng mga bangka sa mga mangingisda at mga binhi naman sa mga magsasaka.

“yun motorized bangka for fishermen sa mga farmers naman nagpapatuloy ang pag-aasikaso natin ng kanilang mga lupain at pananim. More on early recovery ito ang mga programa natin doon, bangka motorized and non motorized, mga farming goods, mga seeds for agriculture.”pahayag ni Fr.dela Rosa

Nagpapasalamat din ang Pari sa mga tulong na ipinaabot sa kanila ng iba’t-ibang mga organisasyon.

“Sa lahat po na patuloy na tumutulong lalo na sa Caritas Manila, dahil po sa inyo marami ang programa na naitutuloy dito sa amin. Kasama po ni Bishop De los Santos ang obispo namin sa Virac ipinagdadasal po namin kayo especially dahil ang naging daluyan po nito ay Caritas Manila at Radyo Veritas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 48,299 total reads

 48,299 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 94,590 total reads

 94,590 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 116,790 total reads

 116,790 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 153,284 total reads

 153,284 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 371,509 total reads

 371,509 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 104,342 total reads

 104,342 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top