Pope Francis, nilagdaan ang larawan ng kanyang Private audience sa Pontificio Collegio Filippino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 885 total reads

Personal na nilagdaan ng Kanyang Kabanalan Francisco ang larawan ng Pontificio Collegio Filippino sa naganap na Private audience noong nakaraang Marso, 2021.

Dinala ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle ang Prefect of the Congregation of the Evangelization of Peoples ang naturang larawan sa Vatican kasabay ng kanyang regular na pakikipagpulong sa Santo Papa.

Kaakibat ng larawan ang letter of request ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon D. Gaston na nasa salitang Espanyol.

Nasasaad sa liham ang muling pagpapasalamat ng Pontificio Collegio Filippino sa naganap na Private audience kasama si Pope Francis noong ika-22 ng Marso, 2021.

Ito ay maituturing na isang pambihirang pagkakataon hindi lamang para sa paggunita ng ika-500 anibersaryo ng pananampalatayang Kristiyano ng mga Filipino kundi maging para sa pagdiriwang ng ika-60 anibersaryo ng Pontificio Collegio Filippino sa Roma.

Ang larawan ay may laking 50 x 76 cm (20 x 30 inches) kung saan makikita sa ibabang-kanang bahagi nito ang “Franciscus” na lagda ng Santo Papa Francisco.

Ihahanay ang naturang larawan ng Pontificio Collegio Filippino kasama si Pope Francis sa mga nakaraang larawan ng nakalipas na private audiences ng Pontificio Collegio Filippino kasama si St. Pope John Paul the 2nd noong 2001 na ika-40 anibersaryo ng Pontificio Collegio Filippino at ika-50 anibersaryo nito noong 2011 kasama naman si Pope Emeritus Benedict the 16th.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 88,147 total reads

 88,147 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 165,668 total reads

 165,668 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 199,116 total reads

 199,116 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 234,414 total reads

 234,414 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 457,491 total reads

 457,491 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top