OFW

OFWs, pinaalalahanan sa kanilang karapatan at benepisyo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 738 total reads

Pinaalalahan ng IDEALS Inc. ang mga Overseas Filipino Workers sa kanilang mga karapatan mula sa iba’t-ibang suliranin na kanilang maaring matamo habang nananatili sa ibayong dagat.

Ayon kay Atty. Margaret Callanta ng Initiative for Dialogue and Empowerment through Alternative Legal Services o IDEALS, mahalaga na magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga OFW’s at kanilang mga kaanak sa kanilang mga karapatan.

Ipinaliwanag ni Atty. Callanta na malinaw na nakasaad sa 1987 constitution ang pagbibigay ng proteksyon at karapatan sa mga OFW’s na dapat nilang matamasa ngayon mayroon pandemya.

Isa sa mga ibinahagi ni Atty. Callanta na programa na maaring mapakinabangan ng isang OFW ay ang DOLE-AKAP Program kung saan dapat ay makatanggap ng P10 libong piso na ayuda ang isang napauwi na OFW dahil sa pandemya.

 

[smartslider3 slider=22]

“Ang guaranteed na maitutulong nila isa dito ang DOLE AKAP yun one time cash assistance na makakatanggap sila ng P10 thousand pesos o kaya $200 US Dollar pero ang katumbas nun ay ten thousand pesos pwede itong ibigay sa mga OFW’s na natigil o nawalan ng trabaho o napauwi dulot ng Covid19 sa kanilang pinagta-trabahuhan.” Pahayag ni Atty. Callanta sa programang Caritas in Action.

Kaugnay nito maari din aniyang makatanggap ng limang libong piso ang mga pamilya ng OFW na nawalan ng hanapbuhay habang nananatili sa ibang bansa.

Maari din alamin ang programa ng kanila-kanilang ng Local Government Unit para sa mga umuwing OFW sapagkat mayroon mga siyudad o munisipalidad na gumagawa ng bukod na programa at maaring mapakinabanggan ng ating umuwing kababayan.

“Meron din tayo 5 to 8 thousand pesos na household assistance, ito po ay nasa ilalim ng Bayanihan to Recover as One. Ito po ay binibigay sa mga pamilya o kaya sa mga household ng OFW’s at panghuli na tulong na pwede makuha yun mga projects ng kani-kanilang LGU’s dahil mayroon po mga LGU’s nagbibigay din ng tulong sa kanilang mga umuuwing OFW’s”dagdag pa ni Att. Callanta.

Pinaalalahan din ni Atty. Callanta ang mga OFW na nakakaranas ng pang-aabuso na huwag matakot at agad na magsumbong sa mga POLO Office kung saan bansa sila naghahanapbuhay.

Aniya, prayoridad din ng gobyerno na bigyan ng suporta o mapauwi ng Pilipinas ang isang OFW na nakakaranas ng pisikal o seksuwal na pang-aabuso lalo na laban sa kanyang employer.

“Doon sa pang aabuso urgent po ito lalo na kung sexual o physical kapag ito na po ang nararanasan ng OFW lumapit na sila sa POLO Office doon po maari sila mag-request na siya ay ma-repatriate o bumalik sa ating bansa bukod doon meron tayo social welfare attaché under DSWD na pinapadala sa abroad para matulungan ang psychosocial na pangangailangan ng ating mga OFW’s lalo na ang mga nakakaranas ng pang aabuso.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority noong 2019, nasa 2.2 Million ng mga Pilipino ang legal na nag-tatrabaho sa ibang bansa.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 6,950 total reads

 6,950 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 8,594 total reads

 8,594 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 19,175 total reads

 19,175 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 56,553 total reads

 56,553 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 87,823 total reads

 87,823 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 164,115 total reads

 164,115 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 257,392 total reads

 257,392 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 100,240 total reads

 100,240 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top