pondo ng pinoy garden

Diocese of Antipolo, nagpapasalamat sa suporta ng Pondo ng Pinoy sa kanilang “organic garden”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,367 total reads

Ipinagpapasalamat ng Immaculate Conception Parish sa Diocese of Antipolo ang suporta na ibinibigay ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. para sa kanilang proyekto na Our Lady of Organic Garden sa Cainta Rizal.

Ayon kay Rev. Fr. Noeh Elnar, Parish Priest ng nasabing parokya, labis ang kanilang pasasalamat sa Pondo ng Pinoy matapos suportahan ang kanilang proyekto na naglalayon magbigay ng kabuhayan sa mga mahihirap na residente sa Vista Verde, Cainta Rizal.

Sinabi ni Fr. Elnar na ang organic garden ay kasalukuyang nakakatulong sa may mahigit 20 pamilya sa pamamagitan ng mga inaani at nabebentang organic vegetables.

Naniniwala ang pari na mahalaga ang mga livelihood program upang hindi lamang umaasa sa ayuda ang mga mahihirap at sa halip ay nabibigyan sila ng pagkakataon na mas mapalago ang kanilang mga pinagkakakitaan.

“Kasi ‘di ba nasa Covid-19 pandemic tayo ang dami walang trabaho tapos nakita namin last year nagpupunta kam isa mga nasa laylayan na sakop ng Parokya nagbigay kami ng ayuda, nakita namin na may pwede pang gawin hindi lang ayuda ng ayuda ang pwedeng nating ibigay.”

 

[smartslider3 slider=21]

 

“Naisipan namin na turuan sila kung paano ma sustain ang pagtulong ng Simbahan. Una maliit lang na area tapos naisip namin na maganda ito palakihin.” pahayag ni Fr. Elnar sa panayam ng programang Caritas in Action.

Ipinagpapasalamat ni Fr. Elnar na sa pamamagitan ng 25 sentimos na nalilikom ng Pondo ng Pinoy ay napagkalooban sila ng humigit kumulang P300 libong piso para sa nasabing proyekto.

“Kahit maliit lang kapag naipon sa isang bottle na nilalagyan ng tubig maiipon malaking bagay maraming matutulungan hindi lang kami kundi maging yun ibang nangangailangan. Ito ay nakakatuwa nakakapagbigay ng saya sa kalooban at syempre pasasalamat sa kapwa at higit sa lahat sa Diyos.” Pahayag pa ng Kura Paroko ng Immaculate Conception Parish sa Vista Verde, Cainta Rizal.

“Kami po ay labis na nagpapasalamat sas pondo ng pinoy sa pagsang ayon po nila na kami ay bigyan ng pagkakataon na mabigyan ng malaking halaga para magamit sa our lady’s of organic garden.”

Hinimok ni Fr. Elnar ang iba pang mga paorkya na gawin din ang kahalintulad na proyekto upang mabigyan ngkabuhayan ang mga mahihirap na kanilang nasasakupan.

“Sabi nga ni Bishop Francis [De Leon] kapag ito ay naging matagumpay sabihin ko sa iba’t ibang Parokya lalo na dito sa Dicoese ng Antipolo na kung mayt mga idle lot sila ganito din ang gawin lalo na ito organic”

Magugunitang ang Pondo ng Pinoy ay tumutulong sa iba’t-ibang mga parokya at Diyosesis sa pamamagitan ng kanilang nalilikom na bente singko sentimos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 79,228 total reads

 79,228 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 157,385 total reads

 157,385 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 190,833 total reads

 190,833 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 226,129 total reads

 226,129 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 449,485 total reads

 449,485 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,953 total reads

 111,953 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top