Fr. Eliseo Jun Mercado

Archdiocese of Cotabato, nagbigay pugay sa namayapang Peace advocate na si Fr. Mercado

SHARE THE TRUTH

 313 total views

Humiling ng panalangin ang Arkidiyosesis ng Cotabato para sa kaligtasan mula sa coronavirus at kapayapaan ng kaluluwa ng mga pumanaw sanhi ng virus.

Ito ang apela ni Archbishop Angelito Lampon makaraang masawi ang ilang pari ng arkidiyosesis dahil sa COVID-19 kabilang na si Fr. Eliseo Mercado, OMI na kilalang peace advocate ng bansa.

Sinabi ng arsobispo na prayoridad ni Fr. Mercado ang pagsusulong ng kapayapaan sa Mindanao na isang konkretong halimbawa sa pagsasabuhay sa turo at misyon ng Panginoon.

 

PSD Toktok

“As a peace advocate talagang involve si Fr. Jun sa mga Muslim, he knows all the Datus at mga opisyales ng BARMM; first priority niya ang advocacy for peace process dito sa Mindanao,” pahayag ni Archbishop Lampon sa Radio Veritas.

Pumanaw si Fr. Mercado noong Mayo 23, 2021 sa alas tres ng hapon dahil sa atake sa puso habang patuloy na nagpapagaling at nagpapalakas makaraang mahawaan ng COVID-19.

Hinangaan ni Archbishop Lampon ang pagiging masigasig ni Fr. Mercado sa kanyang misyon na dalhin ang mga salita ng Panginoon sa kanayunan at ipalaganap ang pagkakaisa sa lipunan sa kabila ng pagkakaiba ng pananampalataya at tradisyon.

“May involvement si Fr. Jun sa good governance at the same time he goes around visiting places like sa mga conflict areas and try to work people to bring about peace sa Mindanao,” ani ng arsobispo.

Mayo 8 nang isugod sa ospital si Fr. Mercado nang magpositibo ito sa virus habang nagnegatibo ito sa kanyang RT-PCR test isang araw bago pumanaw.

Kinilala ang pari bilang isa sa mga haligi ng Missionary Oblates of Mary Immaculate Philippine Province dahil sa mga kahanga-hangang gawain nito sa lipunan at simbahan.

Nagtapos ang pari ng theology at missiology sa Gregorian University sa Roma habang pinagtitibay naman nito ang kaalaman sa Islam nang magtapos ng Islamic studies sa University of Cairo sa Egypt ayon na rin sa Institute of Spirituality in Asia.

Sa loob ng isang dekada naging pangulo si Fr. Mercado sa Notre Dame University sa Cotabato City mula 1992 hanggang 2002. Mula 2003 hanggang 2006 naging direktor ito ng Justice, Peace and Integrity of Creation ng OMI sa Roma.

Naging bahagi rin ang pari sa Mindanao Task Force on Poverty Alleviation, the Social Reform Agenda Council for Central Mindanao, at ng Presidential Commission for the Urban Poor for Central Mindanao noong 1995 hanggang 1998.

Noong 2006 bahagi rin ito sa binuong delegasyon ng Union of Superiors General na bumisita sa South Sudan upang magbalangkas ng mga tugon ng simbahan sa pastoral needs kasunod ng nilagdaang Comprehensive Peace Agreement noong 2005.

Bukod kay Fr. Mercado nasawi rin sa COVID-19 ang kapwa pari ng arkidiyosesis na sina Fr. Loreto Sanoy at Fr. Rex Bacero.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Manggagawang Pilipino

 10,937 total views

 10,937 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 17,093 total views

 17,093 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 21,455 total views

 21,455 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »

Trabaho sa kabila ng init

 32,047 total views

 32,047 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 40,270 total views

 40,270 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Norman Dequia

Obispo, nagbabala sa publiko kaugnay sa A.I.

 1,383 total views

 1,383 total views Pinag-iingat ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan higgil sa paggamit ng makabagong teknolohiya, lalo na ang Artificial Intelligence. Ayon kay Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr., chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social Communication tulad ng mga modernong bagay maraming magagandang maidudulot ang paggamit ng A.I dahil pinabibilis

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Santo Papa Francisco sa mga Kura Paroko: Itaguyod ang misyon at simbahang sinodal

 1,545 total views

 1,545 total views Pinaalalahanan ng Papa Francisco ang mga kura paroko sa natatanging gawain na maging tagapastol sa bawat binyagan tungo sa iisang misyong ipalaganap ang Mabuting Balita sa sanlibutan. Sa ginanap na International Meeting “Parish Priests for the Synod” sa Roma kinilala ng santo papa ang malaking gampanin ng mga kura paroko upang itaguyod ang

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Pinakabatang Arsobispo ng Pilipinas, iniluklok bilang pinuno ng Archdiocese ng Caceres

 2,232 total views

 2,232 total views Humiling ng panalangin si Archbishop Rex Andrew Alarcon kasunod ng pagluklok bilang ikalimang arsobispo ng Archdiocese of Caceres sa Bicol region. Sinabi ng arsobispo na mahalaga ang mga panalangin ng mamamayan upang manatiling gabay ang Panginoon sa kanyang pagpapastol sa mahigit isang milyong kawan na ipinagkatiwala ng simbahan sa kanyang pangangalaga. Ito ayon

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mga bagong katungkulan sa Archdiocese of Manila, isinapubliko

 7,997 total views

 7,997 total views Itinalaga ng Kanyang Kabunyian Manila Arcbishop Jose Cardinal Advincula ang ilang pari sa kanilang bagong katungkulan sa mga parokya, mission stations at institusyon ng Archdiocese of Manila. Kabilang sa mga nagkaroon ng pagbabago ang pamunuan ng San Carlos Seminary kung saan itinalagang Rector si Fr. Rolando Garcia Jr. habang Vice Rector, Procurator at

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagkakahirang sa ika-5 Pilipinong Obispo sa US, ikinatuwa ng Archdiocese of Cagayan de Oro

 8,542 total views

 8,542 total views Ikinatuwa ng Archdiocese of Cagayan de Oro ang pagtalaga ng Papa Francisco kay Filipino priest Fr. Reynaldo Bersabal bilang Auxiliary bishop ng Diocese of Sacramento. Ayon kay Archbishop Jose Cabantan, ito ay palatandaang patuloy ang paglago ng kristiyanismo sa Pilipinas sapagkat nakapagbahagi ng mga misyonerong Pilipino sa ibayong dagat. “We praise and thank

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mga kabataan, inaanyayahang tuklasin ang bokasyon

 8,648 total views

 8,648 total views Umaasa si Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias na maging bukas ang mga kabataang pagnilayan ang bokasyon at tumugon sa tawag ng Panginoong maglingkod sa kawan. Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng pandaigdigang panalangin para sa bokasyon kasabay ng Linggo ng Mabuting Pastol. Ayon sa Obispo, nawa’y pakinggan ng mga kabataan ang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

4-libong kabataan, lalahok sa national vocation festival

 12,278 total views

 12,278 total views Iginiit ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga diyosesis sa basna ang pagtataguyod sa bokasyon ng mga kabataan. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Vocations Executive Secretary Fr. Randy de Jesus, dapat magkaroon ng ‘kultura ng bokasyon’ ang simbahan sa Pilipinas upang magabayan ang mga kabataang nais maglingkod sa kawan ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Katarungan para sa pinaslang na babae sa Bohol, panawagan ng obispo

 13,597 total views

 13,597 total views Mariing kinundena ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang karumal-dumal na pagpaslang kay Roselyn Gaoiran ng Tubigon Bohol. Hinimok ni Bishop Uy ang mga awtoridad na magsagawa ng malawakang imbestigasyon upang mapanagot ang mga nasa likod ng krimen. “We urge the authorities to promptly initiate a thorough investigation to ensure that the perpetrator(s) are

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Iwasan ang malawakang military conflict sa Middle East,panawagan ni Pope Francis

 13,926 total views

 13,926 total views Umapela ang Kanyang Kabanalan Francisco na iwasan ang anumang hakbang na magpapalala sa karahasang nangyayari sa pagitan ng Israel at Hamas militant sa Middle East. Ito ang panawagan ni Pope Francis kasunod ng pag-atake ng Iran sa Israel na magdudulot ng lalong pagkasira sa magkatunggaling bansa at higit na makakaapekto sa mga mamamayan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Dayalogo para sa kapayapaan, hangad ng Santo Papa

 19,732 total views

 19,732 total views Umaasa ang Kanyang Kabanalan Francisco na maliwanagan ang kaisipan ng mga taong nagsusulong ng karahasan para sa pagkakasundo at kapayapaan. Ayon kay Pope Francis, nawa’y sa liwanag na hatid ni Hesus na muling nabuhay ay mapaigting ang mga hakbang ng dayalogo sa magkakatunggaling mga bansa at manaig sa mundo ang kapayapaang hatid ni

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mamamayan, pinag-iingat ng AOC sa mga nagpapanggap na pari ng Roman Catholic

 22,441 total views

 22,441 total views Pinaalalahanan ng Archdiocese of Manila – Office of Communications (AOC)ang mamamayan lalo na ang mga tanggapan at institusyon na nagdiriwang ng Banal na Misa sa labas ng mga simbahan na mag-ingat sa mga indibidwal na nagpapanggap na pari ng Roman Catholic. Nababahala si National Shrine of the Sacred Heart Team Ministry Member, AOC

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Paglapastangan sa parokya sa Binalbagan, Negros Occidental; Bishop Galbines, pansamantalang ipinasara ang simbahan

 23,455 total views

 23,455 total views Pansamantalang isinara sa publiko ang San Isidro Labrador Parish Church sa Binalbagan, Negros Occidental dahil sa insidente ng paglapastangan sa mga sagradong bagay ng simbahan. Ayon kay Kabankalan Bishop Louie Galbines, ang paglapastangan sa altar at sa mga bagay na binibigyang pagpapahalaga at paggalang ng simbahan kaya’t kinakailangan ang pagsasagawa ng pagbabayad-puri tungo

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagkasawi ng mga naghahatid ng tulong sa digmaan sa Gaza, ikinababahala ng Santo Papa

 23,636 total views

 23,636 total views Ikinalungkot ng Kanyang Kabanalan Francisco ang nagpapatuloy na karahasang nangyayari sa Gaza Strip lalo na ang pagkakapaslang sa mga taong tumutulong sa mga inosenteng sibilyan. Dalangin ni Pope Francis ang katatagan ng mga pamilyang naiwan ng mga biktima ng karahasan at muling umapela sa kinauukulan na pahintulutan ang humanitarian aid para sa kapakinabangan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pray for Taiwan, paanyaya ng Obispo sa mga Pilipino

 24,920 total views

 24,920 total views Ipinapanalangin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang kaligtasan ng mamamayan ng Taiwan kasunod ng 7.2 magnitude na lindol nitong April 3. Tiniyak ni CBCP-Episcopal Commission on Migrants’ and Itinerant People Vice Chairman, Antipolo Bishop Ruperto Santos ang pakikiisa mga biktima ng lindol lalo na sa mahigit 100-libong Filipino migrants sa lugar.

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Faith tourism, palalakasin ng Diocese of Legazpi

 24,329 total views

 24,329 total views Palalawakin ng Diocese of Legazpi ang faith tourism sa lalawigan ng Albay sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan. Ito ang tiniyak ni Bishop Joel Baylon sa nalalapit na pagdiriwang ng Magayon Festival kasabay ng pagpaparangal sa Mahal na Biheng Maria o Inang Magayon bilang babaeng puspos ng biyaya at pagpapala ‘Tota pulchra es,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top