CBCP-ECY, nanawagan sa CHED na pag-aralang mabuti ang ipapatupad na sistema ng edukasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 579 total reads

Umaasa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Youth na suriing mabuti ng Commission on Higher Education (CHED) ang lahat ngpinaka-naangkop na sistema ng edukasyon sa kasalukuyang panahon.

Ito ang ibinahagi ni Rev. Fr. Conegundo Garganta – executive secretary ng kumisyon kaugnay sa inanunsyo ng CHED na patuloy na pagpapatupad ng flexible learning sa mga susunod na taon para sa mga mag-aaral sa mga kolehiyo at unibersidad.

Ayon sa Pari, bagamat tiwala ang kumisyon na dumaan ang naturang desisyon sa pagsusuri ng kagawaran ay hindi naman dapat na maisantabi ang iba’t ibang sitwasyon o kalagayan ng mga mag-aaral sa pagdidesisyon kaugnay sa sistema ng edukasyon sa bansa.

Iginiit ni Fr. Garganta na may iba’t ibang salik na dapat ikonsidera ang kagawaran tulad na lamang ng kakayahan ng ilang mga mag-aaral na ganap at epektibong makasabay sa Flexible Learning System.

[smartslider3 slider=21]

“As with the pronouncement from CHED, I am certain a careful assessment was made which led to the decision to continue with the Flexible Learning System. Only that, I think there is the need for a commitment from CHED to do a periodical assessment of the situations and conditions that paved the implementation or adaption of the Flexible Learning System. I hope all the factors are carefully look into.”pahayag ni Fr. Garganta sa Radio Veritas.

Matatandaang dahil sa restriksyon na dulot ng COVID-19 pandemic noong nakalipas na taon ay pansamantalang ipinagbawal ang face-to-face classes at ipinatupad ang flexible learning system sa mga mag-aaral na ipagpapatuloy ang implementasyon sa mga kolehiyo at mga pamantasan.

Matapos umani ng mga pagbatikos ang naturang pahayag mula sa iba’t ibang youth groups sa bansa ay nilinaw ni De Vera na saklaw ng flexible learning policy ng komisyon ang kombinasyon ng face-to-face classes, modular at online learning ng mga mag-aaral.

Sa kasalukuyang may 64 na higher education institution ang pinahihintulutan na makapagsagawa ng limitadong face-to-face classes para sa medicine at allied health courses lamang.

Sa panlipunang turo ng Simbahan, kinakailangang kasabay ng pagpapatatag sa sistema ng edukasyon sa bansa ay ang pagkalinga sa kapakanan ng mga guro, mag-aaral at maging sa kakayahan ng mga magulang na pawang mahahalagang salik sa pagkakaroon ng mas epektibong sistema ng edukasyon sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 122,243 total reads

 122,243 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 156,920 total reads

 156,920 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 179,085 total reads

 179,085 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 215,571 total reads

 215,571 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 226,244 total reads

 226,244 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top