ACN Philippines, nakikiisa sa prayer for peace para sa Myanmar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 709 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa ang pontifical foundation ng Vatican sa bansa na Aid to the Church in Need Philippines sa pananalangin ng buong Simbahang Katolika sa Pilipinas para sa kapayapaan sa bansang Myanmar.

Ayon kay ACN Philippines National Director Jonathan Luciano, higit na mabisa ang sama-samang pananalangin ng mga Kristiyano bilang sandata sa pagkamit ng pagkakaunawaan at kapayapaan.

Sinabi ni Luciano na mahalaga ang pananalangin upang tuluyang mawakasan ang hidwaan at hindi pagkakaunawaan na nagdudulot ng pasakit, hirap at takot sa mamamayan.

“Nakikiisa po ang Aid to the Church in Need sa pananalangin para sa kapayapaan sa Myanmar. Ang pagkakaisa natin bilang mga Kristiyano na naghahangad ng pagkakaunawaan, pagtanggap at kapayapaan ay mabisang sandata upang tuluyang mawakasan ang hidwaan na nagdudulot ng hirap, pasakit at takot sa marami nating mga kapatid lalo’t higit sa mga lugar kung saan tinutuligsa at pinahihirapan ang mga Kristiyano dahil sa kanilang pananampalataya at paniniwala.” pahayag ni Luciano sa Radio Veritas.

 

[smartslider3 slider=21]

 

Pagbabahagi ni Luciano, nawa sa pamamagitan ng pananalangin para sa kapakanan ng mamamayan at Simbahang Katolika sa Myanmar ay dinggin ng Panginoon ang pagsusumamo ng bawat isa na mapagharian ng pag-ibig at pagkakaunawaan ang buong daigdig.

“Dumalangin tayo sa Diyos ng kapayapaan at pag-ibig na sana ay pakinggan Niya ang ating pangalangin para sa isang mundong pinaghaharian ng pag-ibig at pagkakaunawaan.” Dagdag pa ni Luciano.

Una ng inihayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pakikiisa ng Simbahan sa Pilipinas sa pananalangin para sa kapayapaan ng Myanmar.

sa isang sirkular ay umapela si CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles sa lahat ng mga diyosesis at arkidiyosesis kasama na ang mga prelatura at apostolic vicariates sa bansa na mag-alay ng panalangin para sa Myanmar kasabay ng paggunita sa Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa Iisang Diyos sa ika-30 ng Mayo.

Sa pamamagitan ng isang liham ay ipinaabot ni Yangon Archbishop Cardinal Charles Maung Bo – Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of Myanmar (CBCM) kay Archbishop Valles ang “Extreme Appeal” ng pakikiisa at pananalangin matapos na atakihin ng militar ang isang Simbahan na nagsisilbing takbuhan ng mga mamamayan na naiipit sa patuloy na kaguluhan sa bansa kung saan apat ang namatay.

Batay sa tala, mula ng magsimula ang kaguluhan sa bansa noong unang araw ng Pebrero ng kasalukuyang taon tinatayang umaabot na sa mahigit 820 ang nasawi dulot ng patuloy na nagaganap na kaguluhan at karahasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 121,323 total reads

 121,323 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 156,000 total reads

 156,000 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 178,200 total reads

 178,200 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 214,686 total reads

 214,686 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 225,395 total reads

 225,395 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top