Mga hamon ng flexible learning

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,441 total views

Mga Kapanalig, dahil sa hindi pa rin epektibong pagkontrol sa COVID-19, nananatiling sarado ang mga paaralan. Hindi pa rin nakababalik ang mga estudyante sa kolehiyo sa kanilang mga eskuwelahan, at hanggang sa ngayon ay nag-aaral pa rin sa pamamagitan ng tinatawag na “flexible learning.” Ang flexible learning ay maaaring online, offline, o blended. Sa online, kailangan ng mga gadgets at internet. Sa offline, binibigyan ang mga estudyante ng modules o mga video at audio na maaaring ilagay sa mga tinatawag na storage devices. Kombinasyon naman ng online at offline ang blended learning.

Para kay Commission on Higher Education chair Prospero de Vera, ang flexible learning na ang magiging norm o kalakaran sa pag-aaral ng mga nasa kolehiyo. Huwag na raw asahan ang pagbabalik ng mga nakasanayang face-to-face na klase sa mga silid-aralan. Kung babalik daw sa tradisyunal na pamamaraan ng pag-aaral, masasayang daw ang naging investment ng pamahalaan at ng mga unibersidad sa teknolohiya, pagsasanay ng mga guro, at pagsasaayos ng mga pasilidad. Layunin daw ng patakarang ito ng CHED na iwasang malantad ang mga mag-aaral, kanilang mga guro, at iba pang nagtatrabaho sa mga eskuwelahan sa panganib na dala ng panibagong pandemya sa hinaharap.

Sa kabila ng paliwanag na ito ng CHED, may mga grupo ng mga kabataan ang nagsabing hanggang ngayon ay hiráp pa rin ang maraming mag-aaral, pati na sa kolehiyo, sa flexible learning. Wala mang malinaw na bilang kung ilan sa mga nasa kolehiyo ang sinasabing nahihirapan, hindi maitatangging napakalaking hamon ang ibinunga ng pandemya sa pag-aaral ng mga estudyante. Kahit pa sa mga may internet sa kanilang bahay, napakahirap ng online learning dahil sa bagal na internet sa Pilipinas. Sa sampung bansa sa ASEAN, pang-anim ang Pilipinas sa tinatawag na mobile at broadband speeds. Mahal din ang internet sa ating bansa: ang average cost of broadband per megabit sa isang buwan sa Pilipinas, ayon sa pag-aaral, ay nasa 0.75 dolyar (o 36 na piso), lubhang mataas kumpara sa 0.04 dolyar sa Singapore at 0.12 dolyar sa Thailand.

 

[smartslider3 slider=21]

 

Online man o offline, mahirap din para sa mga estudyante ang mag-aral sa kanilang bahay. Kailangan nilang gumawa ng mga gawaing bahay. Siguradong may ilang nasa tinatawag ding toxic family environment. Hindi rin lahat ay may komportable at tahimik na espasyo upang makapag-concentrate. Malaki rin ang epekto sa kanilang mental health ng takot na dala ng COVID-19 at ng kawalan nila ng pagkakataong makasama ang kanilang mga kaibigan.

Ilan lamang ito sa mga mabibigat na dahilan kung bakit hindi nakatutulong ang naging pahayag ng CHED na “flexible learning will be the norm.” Magiging epektibo lamang ito para sa mga mag-aaral na may kakayanang magpatuloy ng kanilang pag-aaral kahit wala sa paaralan. Ang katotohanan, napakarami sa ating kabataan ang walang ganitong pribilehiyo, kaya’t hindi na tayo magtataka kung may mga pipiliing huminto sa pag-aaral at maghanap na lang ng trabaho, kung may makita man sila.

Sabi nga sa Catholic social teaching na Laborem Exercens, lubhang napakahalaga ng edukasyon para sa paglago ng tao. “Higit na mainam sa ginto ang magkaroon ng karunungan,” wika pa sa Mga Kawikaan 16:16. Ang edukasyong natatanggap sa kolehiyo ang humuhubog sa mga mamamayang tutugon sa mga tunay na pangangailangan ng lipunan katulad ng mga guro, doktor, at iba pang propersyonal. Ngunit kung may mga napagkakaitan ng pagkakataong makatungtong sa kolehiyo dahil sa mga balakid na dala ng mga patakaran sa edukasyon, tayo, bilang isang lipunan, ang mawawalan din.

Mga Kapanalig, sa halip na tuluyang isara ang pinto ng mga paaralan, sana ay mag-isip ang pamahalaan ng paraan upang ligtas nang makabalik ang ating mga estudyante.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 59,784 total views

 59,784 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 81,789 total views

 81,789 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 106,131 total views

 106,131 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 129,084 total views

 129,084 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 160,356 total views

 160,356 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAG-ASA

 59,785 total views

 59,785 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 81,790 total views

 81,790 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 106,132 total views

 106,132 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 129,085 total views

 129,085 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »
Scroll to Top