Apelang tulong Pope Pius XII sisters, tinugunan ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 685 total reads

Tinugunan ng Caritas Manila sa pamamagitan ng programang Caritas In Action sa Radyo Veritas ang apelang tulong ng Daughters of Mary Help of Christians St. John Bosco.

Naunang umapela ng tulong ang Daughters of Mary Help of Christians St John Bosco para sa kanilang mga kawani na nawalan ng trabaho at naapektuhan ng pandemya.

Ayon kay Sr. Dolor Reyes FMA, superior ng Ladies Dormitory sa Pius XII Catholic Center, ilan sa kanilang mga empleyado ang hindi pa rin makapasok sa trabaho dahil sa kawalan ng mga tenants at umookupa sa kanilang dormitoryo.

Bagamat sinisikap ng kanilang kongregasyon na mairaos ang pang-araw araw ng mga apektadong empleyado ay hindi na rin sumasapat ang kanilang kakayanan dahil sa kawalan ng mapagkukunan ngayon may pandemya.

Dahil dito nakipag-ugnayan si Sr. Dolor sa Caritas Manila at sa programang Caritas in Action sa Radyo Veritas upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga kawani sa dormitoryo na dadalawa na lamang ang natirang umookopa mula sa bilang na 80.

“Ang Pius XII kasi may Dormitory, meron maliit na Hostel para sa mga estudyante, sa mga Professional, sa mga Seafarers, wala po nag-house ngayon dahil sa COVID, dahil walang income na force tuloy kami na mag-skeletal muna hanggang nung mag ECQ hindi muna sila pinapasok kaya lang tumatagal ng tumagal, ganun sila ka apektado eh may mga pamilya sila kaya naisip namin na humingi ng tulong” pahayag ni Sr. Dolor sa panayam ng programang Caritas in Action.

Inihayag ng Madre na ilan sa kanilang mga empleyado ang nakikiusap at patuloy na lumalapit na magkaroon ng tulong dahil sa kawalan ng mapagkukunan ng pangtawid sa araw-araw.

“Talaga namang apektado dahil sila wala naman makain na kaya yun ang nagiging problema nila kaya nagsasabi sila sa amin na hirap na hirap sila nangungutang at bumabale na para lang maka-abot sa pang araw araw na kain at gastos.” Dagdag pa ni Sr. Dolor.

Agad na tumugon ang Caritas Manila sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga food pack at tig-1000 na gift certificates para sa mga nawalan ng trabaho sa dormitoryo.

Ipinagpapasalamat ni Sr. Dolor ang naging maagap na pagtugon ng social arm ng Archdiocese of Manila.

“Ang Caritas [Manila] napakadali nilang kausap, dumaan lang po ako sa tamang proseso talagang sila po ay willing magbigay, today po nakakuha kami ng mga manna bag sa Caritas lahat po ng pinakiusap namin nabigyan po maraming salamat po tuloy nyo po ang pagtulong sa Caritas marami po na mahihirap lalo na ang pamilya na nangangailangan na nararating po nila.” Masayang pagbabahagi ng tagapamuno ng nasabing dormitoryo sa Pius XII Center.

Kaugnay nito, bukas din ang kongregasyon ng ang Daughters of Mary Help of Christians St John Bosco para sa ano mang pagtulong para sa mga madre at mga senior citizen na nasa kanilang pangangalaga.

Para sa ano mang tulong o donasyon ay maaring makipag-ugnayan sa Pope Pius XII Center sa U.N Avenue Manila.

Bukod sa dormitoryo o hostel na nasa pangangalaga ng mga Salesian Sisters ay kilala ang Pope Pius XII bilang lugar kung saan ginaganap ang biannual plenary ng mga Obispo sa Pilipinas at nagsisilbi din command center ng PPCRV tuwing panahon ng eleksyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 77,392 total reads

 77,392 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 155,620 total reads

 155,620 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 189,067 total reads

 189,067 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 224,364 total reads

 224,364 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 447,798 total reads

 447,798 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,934 total reads

 111,934 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top