Itigil ang pang-aabuso sa mga bata

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,096 total reads

Kapanalig, nakakapangingilabot ang ginagawa ng ilang mga tao para lamang kumita at matugunan ang kanilang maiitim na pagnanasa. Sa buong mundo, ang online exploitation ay kalat na, at ang mga bata pa ang kanilang pangunahing biktima. Ayon nga sa mga eksperto, ang online sexual abuse ay ang modernong mukha ng human trafficking.

Napadali ng internet, kapanalig, ang exploitation ng mga kabataan sa buong mundo. Wala na itong pinipili – nangyayari ito sa lahat ng bansa, at sa lahat ng antas ng lipunan. Ayon sa UNICEF, tinatayang mga 120 milyong batang babae na may edad 20 pababa ang pinilit na gumawa ng sexual acts. Maaring mas marami pa ang bilang na ito dahil ang mga biktima ng sexual violence, mapapababae man o lalake, ay madalang magsumbong. At dahil nga sa teknolohiya, ang mga gawaing ito ay madaling mavideo at ikalat sa web. Ayon sa UNICEF, mga 80% ng mga bata sa 25 na bansa ay nagsasabi na natatakot sila sa banta ng online sexual abuse or exploitation.

Ngayon nga, kapanalig, ang Pilipinas pa ang naging epicenter ng online abuse sa buong mundo. Tayo na ang sentro ng live stream sexual abuse. Ayon sa UNICEF, Walo sa sampung bata sa Pilipinas ay bulnerable sa online sexual abuse or bullying. 2.5% din ng mga bata sa ating bansa ay nailantad na ang kanilang hubad na katawan o gawaing sekswal sa internet o cellphone.

Mas lumala pa ang sitwasyon na ito noong panahon noong quarantine, kapanalig. Tumaas ng 264.6% ang kaso ng online sexual abuse and exploitation of children mula March hanggang May 2020. Sa Facebook, mga 279,166 na imahe ng sexual abuse ang nakita mula March hanggang May 2020.

Nasaan na ba ang mga magulang na dapat magbibigay ng pag-aaruga at proteksyon sa mga bata? Kapanalig, kadalasan, ang mga magulang o ibang kaanak pa mismo ang siyang nagbebenta ng mga imahe ng kanilang mga anak sa Internet. Dahil sa kahirapan, ang mga magulang na mismo ang nangunguna sa pang-aabuso sa kanilang mga anak.

Kailangang masupil na ang ganitong gawain. Ayon kay Pope Francis sa Laudato Si: ating tinatrato ang tao bilang mga objects o bagay lamang, at ginagamit sila upang matugunan ang ating pagnanasa at pangangailangan. Hindi dapat ito nangyayari, kapanalig. Ang mga bata ay ating kayamanan, sila ang ating kinabukasan. Sa ating pagmamahal at pag-aaruga sila ay umaasa. Kung sa sariling tahanan sila ay nilalapastangan, saan pa sila pupunta?

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 84,246 total reads

 84,246 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 178,410 total reads

 178,410 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 222,678 total reads

 222,678 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 245,787 total reads

 245,787 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 317,118 total reads

 317,118 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

TRUTH AWARDS

 84,247 total reads

 84,247 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 178,411 total reads

 178,411 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 222,679 total reads

 222,679 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 245,788 total reads

 245,788 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »
Scroll to Top