Paninigarilyo, banta sa kalusugan at kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,366 total reads

Pinaalalahan ng mga eksperto ang publiko na tigilan na ang paninigarilyo dahil sa patuloy na banta na idinudulot nito sa kalusugan at kalikasan.

Sa panayam ng programang Caritas in Action kay Caritas Manila Health Program Consultant, Dra. Madeliene De Rosas-Valera, malaki ang nagiging epekto ng paninigarilyo sa pagtaas ng kaso ng mga nagkakaroon ng Covid19 at iba pa na mga malulubhang karamdaman.

Kasabay ng paggunita sa No Tobacco Month ngayong buwan ng Hunyo hinikayat ni Dra. Valera ang mga naninigarilyo na talikdan na ang nasabing bisyo at isa-alang alang ang ating mga mahal sa buhay na maaring magkasakit dahil dito.

“Isipin po ninyo hind lang katawan nyo ang napupurwisyo, maging ang sarili mong kasama sa bahay, mga mahal mo sa buhay, mga kasama mo sa opisina, yun naiiwan ng smoke sa pader na maaring malanghap ng anak mo o apo tapos environment impact pa nito.”pahayag ni Dra. Valera.

Nanindigan si Dra. Valera na ang paninigarilyo ay maaring maging dahilan upang mabilis na dapuan ng sakit gaya ng Covid19.

“Sinasabi nga ng WHO kapag ikaw ay naninigarilyo it increases yung risk mo para magkaroon ka ng viral infection kasi nga yun cigarette smoking para kang nagne-necrosis, namamatay ang iyong cells” ani Dra. Valera.

Sinabi pa ni Dra. Valera na maging ang Electronic cigarette o vaping ay masama din ang epekto sa ating pangangatawan kaya’t hindi ito dapat tangkilikin lalo na ng mga kabataan.

Aniya, ang paninigarilyo ay isang uri ng adiksyon kaya’t kailangan ng ibayong suporta mula sa pamahalaan upang ito ay tuluyan ng tigilan.

“Ang gobyerno, ang DOH maliban sa sin tax na para makalikom ng pera ay meron na tinatawag na smoking cessation program… sabi ko nga iyan ay parang addiction hindi mo mapipigil.. kailangan ng pasensya at maipaliwanag mo sa naninigarilyo na dapat sa kanyang sarili ay magkaroon talaga ng kagustuhan na mag-stop sa smoking” dagdag pa ng dating undersecretary ng Department of Health.

Batay sa datos ng World Health Organization, umaabot sa 600 libong indibidwal ang namamatay kada taon dahil sa exposure sa tinatawag na second hand smoke. Ang Pilipinas ay isa sa 15 mga bansa sa buong mundo na may pinakamaraming tobacco related ill health.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 52,642 total reads

 52,642 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 102,668 total reads

 102,668 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 223,247 total reads

 223,247 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 273,605 total reads

 273,605 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 398,680 total reads

 398,680 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 122,676 total reads

 122,676 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top