Mananampalataya, inaanyayahan sa 9-araw na paghahanda sa pagtatalaga kay Cardinal Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 665 total reads

Inaanyayahan ng Archdiocese of Manila ang mananampalataya sa siyam na araw na paghahanda sa pagtatalaga kay Archbishop-elect Cardinal Jose Advincula bilang ika- 33 arsobispo ng arkidiyosesis.

Sa pastoral instruction na ‘Your servant is listening’ ni Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo hinati sa tatlong bahagi ang gagawing novena mula Hunyo 15 hanggang 23.

Una rito ang pananalangin “Let us spend these days listening to God in prayer. In our Masses during the novena, we will use special Mass formularies in line with the theme for the day” bahagi ng pastoral instruction ni Bishop Pabillo.

Dadasalin ang ‘Panalangin ng pasasalamat sa biyaya ng bagong arsobispo’ pagkatapos ng panalangin sa pakikinabang habang hinimok ang 86 na parokya ng arkidiyosesis na magsagawa ng pagtatanod sa Banal na Sakramento.

“On the evening of June 23, we encourage all parishes and communities to spend an hour of prayer before the Blessed Sacrament and pray together for Cardinal Advincula,” ani ng obispo.

Ikalawang bahagi ang katesismo kung saan mahalagang pakinggan ang mga turo ng simbahan at pagnilayan ang tungkulin ng pinunong pastol ng arkidiyosesis at mga impormasyon hinggil sa Arkidiyosesis ng Maynila.

Ikatlo ang patuloy na kawanggawa sa pamamagitan ng paglingap sa mga nangangailangan lalo’t higit ang labis naapektuhan ng pandemya.

“We ask all parishes to dedicate some days during the novena to organize activities that would promote charity and generosity, like feeding programs, distributing of food bags or gift certificates. Caritas Manila will distribute gift certificates for 50,000 families (worth PhP 50 M) to the parishes. Let this be a gift of Cardinal Advincula to our needy brethren in the Archdiocese,” saad pa sa pastoral instruction.

Naglabas din ang arkidiyosesis ng gabay at paksa sa bawat araw ng novena upang sundin ng mga pari ng mga parokya at ang kopya ng panalangin sa pasasalamat para sa bagong arsobispo na mamumuno sa mahigit tatlong milyong katoliko mula sa mga lunsod ng Manila, Makati, Mandaluyong, Pasay at San Juan.

Nagpasalamat din si Bishop Pabillo sa mga pari at layko na naging katuwang sa mahigit isang taong paninilbihan bilang obispong tagapangasiwa ng arkidiyosesis lalo na sa gitna ng naranasang krisis pangkalusugan.

“I take this opportunity to thank all of you, especially our priests and lay leaders, for your collaboration and support during the 16 months that I was tasked to administer the Archdiocese. Through prayer and hard work, we were able to carry out the Lord’s mission, especially during this challenging time of the Covid-19 pandemic. With the coming of our new Archbishop, let us pledge to him our filial obedience and love,” saad ni Bishop Pabillo.

Nakatakda sa Hunyo 24, 2021 ang pagtatalaga kay Cardinal Advincula kasabay ng kapanganakan ni San Juan Bautista at pagdiriwang sa ika – 450 anibersaryo ng pagkatatag ng lungsod ng Maynila at pagtalagang unang parokya ng Manila Cathedral.

Bilang pagsunod sa safety protocol limitado lamang sa ilang indibidwal ang pinahintulutang makadalo sa pagtatalaga kaya’t hinikayat ang mananampalataya na subaybayan sa TV Maria, Radio Veritas 846, The Manila Cathedral, Archdiocesan Office for Communications at mga social media pages ng mga parokya ng arkidiyosesis para sa buong pagdiriwang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 63,815 total reads

 63,815 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 159,741 total reads

 159,741 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 204,009 total reads

 204,009 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 227,118 total reads

 227,118 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 299,466 total reads

 299,466 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top