Maternal protection ng Birheng Maria sa Pilipinas, napakahalaga sa panahon ng pandemya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 891 total reads

Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na makabuluhan ang nakatakdang pagtatalaga ng bansa sa pangangalaga ng Mahal na Birheng Maria.

Ayon kay Diocese of Legazpi Bishop Joel Baylon – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, ang nakatakdang National Consecration of our country to the Immaculate Heart of Mary sa ika-12 ng Hunyo ay isang panibagong paanyaya upang muling ialay ang bansa sa mapagkalingang pangangalaga ng Mahal na Ina.

Ipinaliwanag ng Obispo na higit na kinakailangan ng bayan ang pag-aaruga at pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria upang magabayan ang bawat isa sa pagharap sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.

Pagbabahagi ni Bishop Baylon na isa rin itong napapanahong gawain kung saan kasabay ng paggunita ng Kalinis-linisang Puso ni Maria ay ang pagdiriwang ng bansa sa ika-123 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

“Sa June 12 we are celebrating the Feast of Our Lady of the Immaculate Heart of Mary bilang kasunod na kasunod ng Kapistahan ng Sacred Heart which will be this coming Friday so sa Saturday sa June 12 yun na nga kapistahan ng Mahal na Birhen at inaanyayahan tayo na sa muli ialay natin ang ating bayan sa kalinga, sa pag-aaruga, sa pag-antabay ng ating Mahal na Birhen and we have a Prayer of Dedication of our Nation to the Blessed Mother after all we have put our lives, our nation under her maternal protection at nagkataon din of course yun ngang pagdiriwang natin ng kalayaan.” pahayag ni Bishop Baylon sa panayam sa Radio Veritas.

Pangungunahan ni CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles ang pagtatalaga ng bansa sa Mahal na Birhen mula sa San Pedro Cathedral sa Davao City ganap na alas 9:45 ng umaga na matutunghayan sa DXGN Spirit FM – Davao social media page at ba’t ibang social media pages ng mga diyosesis at arkidiyosesis sa buong bansa.

Hinikayat naman ng CBCP ang mga Simbahan sa bansa na magdiriwang ng Banal na Misa pagsapit ng hapon upang isagawa ang diocesan consecration pagkatapos ng komunyon kung saan una ng naglabas ng kopya ng panalangin CBCP para sa national consecration sa ika-12 ng Hunyo.

Ayon kay Archbishop Valles, mahalagang magkaisa ang lahat ng mga mananampalataya sa pananalangin at pagsusumamo sa pamamagitan ng Mahal na Birhen.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 52,221 total reads

 52,221 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 102,045 total reads

 102,045 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 222,624 total reads

 222,624 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 272,982 total reads

 272,982 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 398,091 total reads

 398,091 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top