Practice food safety, payo ng CBCP sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 700 total reads

Maging maingat sa pagkonsumo ng pagkain ngayong pandemya. Ito ang paalala ni Camillian Priest Fr. Dan Vicente Cancino, bilang bahagi ng pagkakaroon nang maayos at malusog na pangangatawan sa gitna ng umiiral na coronavirus pandemic.

Ayon kay Fr. Cancino, Executive Secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Health Care, piliin ang mga pagkain na nagdudulot ng magandang epekto sa kalusugan na karagdagang proteksyon laban sa iba’t ibang uri ng sakit.

“Let’s try to practice mindful eating. ‘Yung ating mga kinakain ay dapat tingnan din natin kung ito ay nakakaganda sa ating kalusugan,” paalala ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi naman ng pari na bunsod din ng hindi tiyak na pagpili sa pagkain kaya marami ang nasasayang at itinatapon na lamang.

Pakiusap ni Fr. Cancino sa mamamayan na isaalang-alang ang wastong pagsukat sa ikokonsumong pagkain, gayundin ang kapakanan ng mga nasa mahihirap na komunidad na nakakaranas ng matinding kagutuman.

“Pakakatandaan natin na mayroon tayong tinatawag na nutritional requirement at para din hindi tayo mag-aksaya ng pagkain. Maraming pagkain ngayon ang nasasayang at marami ring mga tao ang nagugutom,” ayon sa pari.

Ipinaalala ni Fr. Cancino na ugaliin ang pagkakaroon ng ligtas at maayos na food hygiene, tulad ng wastong paghuhugas sa mga prutas, gulay, karne at iba pa.

Gayundin ang tama at naaangkop na pagluluto sa mga pagkain upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit na maaaring makuha sa kontaminadong pagkain.

“Practice safe food hygiene. Kapag sinasabi nating food safety, tamang pagluluto at tamang paghuhugas ng pagkain. Tatandaan natin, itong food safety natin is very very important upang maiwasan ang mga bacteria na maaaring makuha rito at magdulot ng iba’t ibang karamdaman,” payo ni Fr. Cancino.

Noong June 7 ay ipinagdiwang ang World Food Safety Day na may temang ‘Safe food today for a healthy tomorrow’. Batay sa pag-aaral ng World Health Organization, isa sa sampung indibidwal sa buong mundo ang nagkakasakit bawat taon mula sa pagkonsumo ng kontaminadong pagkain, at 420,000 katao naman ang naitatalang nasasawi bawat taon dahil dito.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 7,020 total reads

 7,020 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 20,626 total reads

 20,626 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 61,187 total reads

 61,187 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 88,137 total reads

 88,137 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 136,402 total reads

 136,402 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 157,558 total reads

 157,558 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 128,778 total reads

 128,778 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top