Cardinal Tagle, itinalaga ni Pope Francis sa isa pang posisyon sa Vatican

SHARE THE TRUTH

 591 total views

Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Cardinal Luis Antonio Tagle bilang kasapi ng Congregation for the Eastern Churches.

Sa inilabas na pahayag ng Vatican nitong Hunyo 9, 2021, magiging Cardinal Member ng tanggapan si Cardinal Tagle habang pinamumunuan nito ang Congregation for the Evangelisation of Peoples.

Ang tanggapan ay itinatag ni Pope Pius IX noong Enero 6, 1862 at bahagi ng Congregation for the Evangelisation of Peoples ngunit sa bisa ng Motu Proprio Dei Providentis ni Pope Benedict XV noong Mayo 1, 1917 nagiging independent ito bilang Congregatio pro Ecclesia Orientali.

Layunin nito ang makipag-ugnayan sa Oriental Catholic Churches upang tulungang lumago ang pananampalataya, protektahan ang kanilang mga karapatan at patatagin ang pakikipag isa sa simbahang katolika.

Bilang Cardinal member ng tanggapan isa sa mga tungkulin ni Cardinal Tagle ang dumalo sa mga special ordinaries at plenary assemblies upang tugunan ang mahahalagang usapin ng Oriental Churches.

Ito ay may eksklusibong pamamahala sa mga simbahan sa Egypt at Sinai Peninsula, Eritrea at Northern Ethiopia, Southern Albania at Bulgaria, Cyprus, Greece, Iran, Iraq, Lebanon, Palestine, Syria, Jordan at Turkey.

Si Cardinal Leonardo Sandri ang kasalukuyang Prefect ng Congregation for the Eastern Churches kasama ang 27 Cardinal, isang arsobispo at apat na obispong itinalaga ng Santo Papa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

50-PESOS WAGE HIKE

 14,881 total views

 14,881 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 25,509 total views

 25,509 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 46,532 total views

 46,532 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 65,371 total views

 65,371 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 97,920 total views

 97,920 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top