Cardinal Tagle, itinalaga ni Pope Francis sa isa pang posisyon sa Vatican

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,105 total reads

Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Cardinal Luis Antonio Tagle bilang kasapi ng Congregation for the Eastern Churches.

Sa inilabas na pahayag ng Vatican nitong Hunyo 9, 2021, magiging Cardinal Member ng tanggapan si Cardinal Tagle habang pinamumunuan nito ang Congregation for the Evangelisation of Peoples.

Ang tanggapan ay itinatag ni Pope Pius IX noong Enero 6, 1862 at bahagi ng Congregation for the Evangelisation of Peoples ngunit sa bisa ng Motu Proprio Dei Providentis ni Pope Benedict XV noong Mayo 1, 1917 nagiging independent ito bilang Congregatio pro Ecclesia Orientali.

Layunin nito ang makipag-ugnayan sa Oriental Catholic Churches upang tulungang lumago ang pananampalataya, protektahan ang kanilang mga karapatan at patatagin ang pakikipag isa sa simbahang katolika.

Bilang Cardinal member ng tanggapan isa sa mga tungkulin ni Cardinal Tagle ang dumalo sa mga special ordinaries at plenary assemblies upang tugunan ang mahahalagang usapin ng Oriental Churches.

Ito ay may eksklusibong pamamahala sa mga simbahan sa Egypt at Sinai Peninsula, Eritrea at Northern Ethiopia, Southern Albania at Bulgaria, Cyprus, Greece, Iran, Iraq, Lebanon, Palestine, Syria, Jordan at Turkey.

Si Cardinal Leonardo Sandri ang kasalukuyang Prefect ng Congregation for the Eastern Churches kasama ang 27 Cardinal, isang arsobispo at apat na obispong itinalaga ng Santo Papa.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 1,057 total reads

 1,057 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 22,973 total reads

 22,973 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 63,534 total reads

 63,534 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 90,364 total reads

 90,364 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 138,629 total reads

 138,629 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 159,673 total reads

 159,673 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top