Pampublikong misa sa Prelature of Batanes, sinuspendi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 591 total reads

Pansamantalang sinuspendi ng Prelatura ng Batanes ang pagsasagawa ng mga pampublikong banal na misa sa prelatura matapos na makumpirma ang isang kaso ng COVID-19 sa probinsya.

Ayon kay Batanes Bishop Danilo Ulep, epektibo ngayong araw ika-11 ng Hunyo, 2021 ay pansamantala munang ititigil ang pagsasagawa ng mga pampublikong banal na liturhiya bilang pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19 virus.

Paliwanag ng Obispo, mahalagang kagyat na magpatupad ng mas mahigpit na pag-iingat ang lahat at patuloy na sumunod sa mga ipinatutupad na safety health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa probinsya.

Nanawagan naman si Bishop Ulep sa mamamayan na manatiling kalmado at antabayanan ang mga susunod na balita at impormasyon matapos na matukoy ang nasabing kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bayan ng Basco.

“Effective today June 11, I am hereby suspending the conduct of public masses in Batanes until further notice , due to the confirmed case of COVID 19 infection in Basco. Let us remain vigilant and safety conscious by strictly observing all health and safety protocols. Please standby for further development.” pahayag ni Bishop Ulep na ibinahagi sa Radio Veritas.

Ayon sa Provincial Government of Batanes kasalukuyan ng naka-isolate sa COVID Isolation ng Batanes General Hospital ang 54 na taong gulang na babae na residente ng Bayan ng Basco na nakaranas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka, lagnat, kawalan ng gana sa pagkain at pananakit ng katawan.

Nagsasagawa na rin ng contact tracing ang pamahalaang pamprobinsya ng Batanes upang matukoy ang mga nakasalumuha ng pasyente na wala ring travel history” sa labas ng probinsiya at wala ring contact sa isang suspect at positive case ng COVID-19.

Dahil dito, pinapayuhan ng Provincial Government of Batanes ang lahat ng mga mamamayan nna manatili sa kani-kanilang mga tahanan habang patuloy pang sinusuri ang posibilidad ng “Community Transmission” sa probinsya.

Sa kasalukuyan nagpapatuloy ang isinasagawang vaccination roll-out program sa Batanes kung saan batay sa 2018 data ng Philippine Statistics Authority (PSA) nasa mahigit 17-libo ang bilang ng populasyon sa Batanes at target ng Provincial COVID-19 Task Group na mabakunahan ang nasa 14-libong indibidwal upang makamit ng probinsya ang herd immunity mula sa COVID-19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 118,020 total reads

 118,020 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 152,697 total reads

 152,697 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 175,155 total reads

 175,155 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 211,641 total reads

 211,641 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 222,538 total reads

 222,538 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top