Vaccination program ng pamahalaan kontra COVID-19, apektado ng laganap na fake news

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 800 total reads

Nababahala si NASSA/Caritas Philippines board member at Archdiocese of Cotabato Social Action Director Rev. Fr. Clifford Baira sa lakas ng paglaganap ng fake news maging sa malalayong nayon at lugar ay madaling naaabot nito.

Ayon kay Fr. Baira, nakakalungkot na ang maling impormasyon ay nakakapasok maging sa mga nasa kabundukan at liblib na lugar.

“Iyon truth ay parang pagong pero kapag fake news nakaka-abot hanggang bundok mas malakas ang takbo ng fake news kumpara sa kung ano ang katotohanan.”pahayag ni Fr. Baira sa panayam ng Radyo Veritas.

Inihayag ng Pari na ang paglaganap ng fake news ay malaking suliranin lalo na sa kampanya laban sa pandemya at mga programa upang wakasan ito gaya ng pagpapabakuna.

“Ang dami talaga doubts at fear dahil sa fake news” pahayag ni Fr. Baira sa panayam ng Radyo Veritas.

Umaasa ang Pari na sa pagtutulungan ng mga kinauukulan at mga eksperto sa larangan ng medisina ay maibaba ang tamang impormasyon lalo na sa mga nasa nayon at mga liblib na lugar.

Tiniyak ni Fr. Baira na nakahanda ang Simbahan at mga Parokya sa mga lalawigan na makipagtulungan upang maipahatid ang katotohanan lalo na sa mga mahahalagang usapin sa ating bansa.

“Hopefully ma-cascade ito pababa dahan-dahan para more or less magkaroon ng immediate impact sa grounds” dagdag pa ng bagong halal na Board member ng Caritas Philippines.

Magugunitang nagsimula na ang roll out ng vaccination ng iba’t-ibang LGU’s para sa mga nasa A4 category o yun mga lumalabas ng tahanan para pumasok sa kani-kanilang mga trabaho.

Batay sa datos, umaabot pa lamang sa 4 na porsyento mula sa mahigit 110-milyon populasyon ng Pilipinas ang nabakunahan ng unang dose habang nasa 1.4 percent ang nakatanggap na ng 2 shots o yung tinatawag na ‘fully vaccinated’.

Sa survey na inilabas ng Social Weather Station 1/3 lamang ng 1,200 Pilipino ang pumapayag na magpabakuna sa kabila ng mga impormasyon at pagpapaliwanag na ginagawa ng pamahalaan sa idudulot nito upang wakasan ang suliranin sa Covid19.

Unang nanawagan ang ilang mga Obispo sa Pilipinas at mga lider ng Simbahang katolika na magpabakuna ang mga mananampalataya upang labanan ang pandemya.

Links:

https://www.veritas846.ph/mamamayan-muling-hinimok-na-magpabakuna-laban-sa-covid-19/ https://www.veritas846.ph/sinovac-vaccine-walang-adverse-side-effects-bishop-bagaforo/ https://www.veritas846.ph/mamamayan-hinimok-ng-radio-veritas-na-magpabakuna-laban-sa-covid-19/

Sa inilabas na pahayag ng Vatican kaugnay sa pagpapabakuna, sinasabi nito na maituturing itong “Morally Acceptable” at maging si Pope Francis ay una na ding sumailalim dito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 116,866 total reads

 116,866 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 151,543 total reads

 151,543 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 174,056 total reads

 174,056 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 210,543 total reads

 210,543 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 221,498 total reads

 221,498 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 102,433 total reads

 102,433 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top