Demolisyon dulot ng NLEX-SLEX project, pinuna ng opisyal ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 499 total views

Aminado ang Commission on Social Services and Development ng Archdiocese of Manila na maraming isyu na lalong nagpapalubog sa mga mahihirap ang kailangan matagunan dahil sa malaking epekto ng pandemya.

Ayon kay Rev. Fr. Erik Adoviso, tagapamuno ng nasabing komisyon, iba’t-ibang pagsubok ang kinakaharap ngayon ng mga dukha hindi lamang ang suliranin sa kanilang pang araw-araw na pagkain.

Aniya, sa kabila ng kawalan ng maayos na hanapbuhay at epekto ng pandemya ay suliranin din ngayon ng ilan ang pagpapaalis sa kanilang mga tirahan dahil sa kabi-kabilang mga imprasktraktura kung saan hindi naisasaalang-alang ang karapatan ng mga apektadong residente.

“Kung dati ang pinag-uusapan job security manatili ang mga manggagawa sa kanilang trabaho ang nagiging problema naman ngayon yun manggagawa pinapaalis sa kanilang mga bahay, nag-iiba ang mga nagiging kaso ngayon sa halip na una job security pero ngayon dahil sa pandemic ang ibinibigay na kaso sa amin ay ano po ang aming gagawin kasi pinapaalis na kami sa aming tirahan, dine-demolish ang bahay namin lalo na sa mga informal settler.” Pahayag ni Fr. Adoviso sa panayam ng programang Caritas in Action.

Ganito din ang naging pahayag ni Bro. Ernesto Roberto ng Ministry of Public Affairs ng Archdiocese of Manila kaugnay sa suliranin ng mga mahihirap na apektado ng demolisyon dahil sa pinagagawang NLEX-SLEX connection sa lungsod ng Maynila.

Aminado si Roberto na hindi napigil ng pandemya ang mga demolisyon sa halip ay naging karagdagang pasanin pa ito ng mga apektadong residente.

“Akala ko ay gagaan ang trabaho namin kasi walang demolisyon pero nagkamali ako, tumigil lang siya saglit pero nung sabihin ng pamahalaan na ituloy ang proyekto ng gobyerno ay nagtuloy-tuloy na din ang mga demolisyon sa ating mga kapatid na maralita.”

“Ngayon hindi lang informal settler kundi pati private property owner na tatamaan ng ating mga national project tulad ng sa PNR saka yun SLEX-NLEX project yun ang mabigat tapos dahil sa pandemic hindi tayo makapaglunsad ng panayam sa mga kapatid nating apektado.” Giit ni Roberto ng Ministry on Public Affairs.

Tiniyak ni Fr. Adoviso na sa kabila ng mga kasalukuyang suliranin ng mga mahihirap ay hindi sila tatalikuran ng Simbahan upang ipagtanggol ang kanilang mga karapatan.

“Palagay ko nararamdaman kahit papapano ng mga tao na nandiyan ang Simbahan nakita natin paano kumilos ang ating mga layko ang mga Pari patuloy na kumikilos yan para pagsilbihan ang mga mahihirap,” giit ng Pari.

Sa datos na nakalap ng Veritas846, tinatayang nasa 180 libong pamilya ang maapektuhan ng demolisyon dahil sa NLEX-SLEX connector road project at North-South Commuter Railway Project.

Nilinaw ni Roberto na hindi tutol ang Simbahang Katolika sa mga proyekto na naglalayon ng pag-unlad ngunit dapat aniyang isaalang-alang ang kapakanan lalo na ng mga walang boses sa lipunan.

“Yun ang isang malaking problema yun ang isang gawain ng aming ministry na dapat matiyak naman yun karapatan sa paninirahan ng mga kapatid natin na maralita ay ginagalang.“

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 28,859 total views

 28,859 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 103,473 total views

 103,473 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 183,552 total views

 183,552 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 226,691 total views

 226,691 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 226,043 total views

 226,043 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 90,723 total views

 90,723 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top