Ang Pag-gamit ng Plastic at ang Ating Throwaway Culture

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 444 total reads

May isang pag-aaral na lumabas kailan lamang kapanalig, na nagsasabi na 19 sa ating mga ilog ay ilan sa mga daluyang tubig sa buong mundo na nagdadala ang mga plastic sa ating mga karagatan. Kasama sa mga ilog na ito ay Pasig, Tullahan, Meycauayan, Pampanga, at Libmanan.

Ang ilog, kapanalig, ay dapat daluyan ng buhay. Ang nangyayari sa ating mga ilog ngayon, pati na rin sa mga ilog sa iba pang bansa, ay nagiging himlayan na ng basura, mga basurang pumapatay sa mga isda at iba pang hayop at halaman sa mga ilog at dagat. Kada taon, 356,000 tonelada ang basurang karga at dala ng ating mga lokal na ilog sa mga karagatan.

Kalaunan, ang basurang ito ay lalason din ng ating buhay.

Ang basura sa ating kapaligiran ay mas lalong dumami ngayong pandemya. Naparami kasi ang online deliveries natin, kapanalig, at kadalasan, ang mga take out na pagkain natin ay gumagamit ay mga single-use plastics. Pati ang ating mga face-shields at face masks, dumagdag sa mga basurang sumasakal sa ating kapaligiran.

Ang mga single-use plastics ay gawa sa mga fossil fuel-based na materyal, at pagkatapos ng isang gamit, tapon na agad. Naiipon ng naiipon lamang sila kung saan-saan at nadaragdagan ng nadaragdagan. Kung akala natin na napahinga natin ang mundo dahil mas marami tayong nasa bahay, nagkakamali tayo. Mas dumami pa ang basura natin.

Kapanalig, isa man tayo sa malaking kontributor ng mga plastic wastes sa karagatan, ang aksyon laban dito ay hindi lamang dapat lokal. Ibig sabihin nito, national-level policy rin ang kailangan upang maisa-ayos natin ang waste management, at global-level action din ang kailangan upang magkaroon ng global na pamantayan at gabay upang mabawasan na at tuluyang matigil ang pag-gamit ng single-use plastics sa buong mundo.

Kapanalig, ang pagdami ng basura, lalo na ng mga single-use plastics ay hindi lamang isyung pang-kalikasan. Kung tutuusin, ito ay isyung personal at moral din. Nasasanay na tayo sa pag-gamit ng mga plastics at iba pang bagay na maaring makasama sa kapaligiran. Ni hindi natin iniiisip kung may mga masamang kahihinatnan ang mga ito. Tapon dito, tapon doon, o ayon nga sa Laudato Si – ang ating throwaway culture. Kapanalig, baka maumpisahan natin ngayon ang pagbabago, hindi man sa ating komunidad, bayan, o sa buong mundo, kundi sa ating sarili. Suriin natin, at pagnilayan kung paano natin mawawaksi ang “throwaway culture.” Simulan natin sa ating mga sarili.

Sumainyo ang Katotohanan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 11,082 total reads

 11,082 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 12,388 total reads

 12,388 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 26,155 total reads

 26,155 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 63,533 total reads

 63,533 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 94,803 total reads

 94,803 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 170,350 total reads

 170,350 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 263,314 total reads

 263,314 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Halimbawa sa taumbayan

 26,156 total reads

 26,156 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 63,534 total reads

 63,534 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 94,804 total reads

 94,804 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 170,351 total reads

 170,351 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »
Scroll to Top