Pangangailangan ng pamilya ng mga PDL, tinutugunan ng CBCP-ECPPC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 879 total reads

Naniniwala ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care na bahagi rin ng tungkulin ng Simbahan na makatulong sa pagtugon sa kakulangan bilang mga ama at ina ng mga bilanggo sa kanilang mga pamilya.

Ito ang ibinahagi ni Diocese of Legazpi Bishop Joel Baylon – chairman ng komisyon kaugnay sa paggunita ng Fathers’ Day kung saan karamihan sa mga bilanggo ay mga kalalakihan at mga padre de pamilya.

Ayon sa Obispo, batid ng Simbahan ang kahirapan ng mga pamilya dahil sa pagkakabilanggo ng mga ama ng tahanan at gayundin ang pagnanais ng mga bilanggo na patuloy na matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga naiwang pamilya.

“Nakikita din natin bilang tungkulin ng Simbahan sa mga ama na hindi otherwise maipaabot ang kanilang pagmamahal sa kanilang mga pamilya ay yun nga mga pamilya nila na naiwan dito sa labas ay mabigyan din ng pagkakataon [na matulungan] lalong lalo na yung mga nahihirapan because wala nga ang kanilang bread-winner nasa bilangguan.” pahayag ni Bishop Baylon sa panayam sa Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Bishop Baylon bukod sa pagtugon ng komisyon sa mga pangangailangan ng mga bilanggo sa panahon ng pandemya ay tinututukan na rin sa ngayon ng CBCP- Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ang pagtulong sa pamilya ng mga bilanggo.

Paliwanag ng Obispo, puspusan ang isinasagawang pagsusumikap ng komisyon upang maipadama sa pamilya ng mga bilanggo ang pag-asa at biyaya sa kabila ng mahirap na sitwasyon na pagkakawalay sa kanilang mahal sa buhay.

“Ito ang nagagawa ng Simbahan not so much directly towards the fathers because they are most of our PDLs (Persons Deprived of Liberty) are mga lalaki, may mga mothers din sa loob pero for those mga fathers na hindi pwedeng mapagkalooban ng hanapbuhay ang kanilang mga anak at kanilang mga pamilya ay nandun yung pagsisikap ng Prison Pastoral Ministry to reach out to their families.” Dagdag pa ni Bishop Baylon.

Nilinaw naman ni Bishop Baylon na hindi lamang sa pamamagitan ng tulong pinansyal nakapagpapaab ang Simbahan sa pamilya ng mga bilanggo kundi lalo’t higit sa pamamagitan ng pagkakaloob ng spiritual assistance upang mapanatili ang pananampalataya at pag-asa sa puso ng bawat isa na muling mabuo ang kanilang mga pamilya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 80,419 total reads

 80,419 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 174,931 total reads

 174,931 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 219,199 total reads

 219,199 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 242,308 total reads

 242,308 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 313,799 total reads

 313,799 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top