Suicide, nangungunang cause of death sa buong mundo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 895 total reads

Nananatili ang “suicide” o pagpapatiwakal bilang isa sa nangungunang dahilan ng pagkasawi sa buong mundo kaysa mga sakit na HIV, malaria, breast cancer, pagkamatay dulot ng krimen at digmaan.

Napag-alaman sa pagsusuri ng World Health Organization na may temang “Suicide worldwide in 2019”, umabot sa higit 700,000-katao o isa sa bawat 100-indibidwal sa buong mundo ang naitalang nasasawi noong taong 2019 bunsod ng pagpapatiwakal.

Ayon kay WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus na dapat mas paigtingin pa ang pagbibigay-pansin upang mapigilan ang pagtaas ng bilang ng mga nagpapatiwakal sa buong mundo lalo na’t isa rin sa dahilan nito ang krisis dulot ng COVID-19 pandemic.

“We cannot – and must not – ignore suicide. Our attention to suicide prevention is even more important now, after many months living with the Covid-19 pandemic, with many of the risk factors for suicide – job loss, financial stress and social isolation – still very much present,” ayon kay Ghebreyesus.

Samantala, dito sa Pilipinas, naitala ng National Center for Mental Health (NCMH) ang 3,006 na mga tawag na kanilang natanggap noong Enero hanggang Marso, 2021, kung saan aabot sa 35 hanggang 53 ang bilang ng daily average calls na natatanggap ng ahensya, habang tumaas naman sa 289 ang monthly average calls na may kaugnayan sa suicide.

Nauna namang nanindigan ang simbahang katolika na mahalagang matutukan ang mental health ng mamamayan lalo na ang mga higit na apektado ng pandemya upang mabawasan ang pangamba, lumbay at maging ang labis na pag-iisip.

Nakikipagtulungan din ang simbahan sa pamahalaan upang matugunan ang tumataas na kaso ng depresyon sa bansa nang magsimulang magpatupad ng community quarantine noong Marso nang nakaraang taon.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 8,030 total reads

 8,030 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 9,576 total reads

 9,576 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 20,953 total reads

 20,953 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 58,331 total reads

 58,331 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 89,601 total reads

 89,601 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 165,747 total reads

 165,747 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 258,933 total reads

 258,933 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 73,786 total reads

 73,786 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top