Pangangailangan ng pamilya ng mga PDL, tinutugunan ng CBCP-ECPPC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 856 total reads

Naniniwala ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care na bahagi rin ng tungkulin ng Simbahan na makatulong sa pagtugon sa kakulangan bilang mga ama at ina ng mga bilanggo sa kanilang mga pamilya.

Ito ang ibinahagi ni Diocese of Legazpi Bishop Joel Baylon – chairman ng komisyon kaugnay sa paggunita ng Fathers’ Day kung saan karamihan sa mga bilanggo ay mga kalalakihan at mga padre de pamilya.

Ayon sa Obispo, batid ng Simbahan ang kahirapan ng mga pamilya dahil sa pagkakabilanggo ng mga ama ng tahanan at gayundin ang pagnanais ng mga bilanggo na patuloy na matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga naiwang pamilya.

“Nakikita din natin bilang tungkulin ng Simbahan sa mga ama na hindi otherwise maipaabot ang kanilang pagmamahal sa kanilang mga pamilya ay yun nga mga pamilya nila na naiwan dito sa labas ay mabigyan din ng pagkakataon [na matulungan] lalong lalo na yung mga nahihirapan because wala nga ang kanilang bread-winner nasa bilangguan.” pahayag ni Bishop Baylon sa panayam sa Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Bishop Baylon bukod sa pagtugon ng komisyon sa mga pangangailangan ng mga bilanggo sa panahon ng pandemya ay tinututukan na rin sa ngayon ng CBCP- Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ang pagtulong sa pamilya ng mga bilanggo.

Paliwanag ng Obispo, puspusan ang isinasagawang pagsusumikap ng komisyon upang maipadama sa pamilya ng mga bilanggo ang pag-asa at biyaya sa kabila ng mahirap na sitwasyon na pagkakawalay sa kanilang mahal sa buhay.

“Ito ang nagagawa ng Simbahan not so much directly towards the fathers because they are most of our PDLs (Persons Deprived of Liberty) are mga lalaki, may mga mothers din sa loob pero for those mga fathers na hindi pwedeng mapagkalooban ng hanapbuhay ang kanilang mga anak at kanilang mga pamilya ay nandun yung pagsisikap ng Prison Pastoral Ministry to reach out to their families.” Dagdag pa ni Bishop Baylon.

Nilinaw naman ni Bishop Baylon na hindi lamang sa pamamagitan ng tulong pinansyal nakapagpapaab ang Simbahan sa pamilya ng mga bilanggo kundi lalo’t higit sa pamamagitan ng pagkakaloob ng spiritual assistance upang mapanatili ang pananampalataya at pag-asa sa puso ng bawat isa na muling mabuo ang kanilang mga pamilya.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 8,020 total reads

 8,020 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 9,567 total reads

 9,567 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 20,943 total reads

 20,943 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 58,321 total reads

 58,321 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 89,591 total reads

 89,591 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 165,737 total reads

 165,737 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 258,924 total reads

 258,924 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 24,910 total reads

 24,910 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top