Pagpuputong mg corona sa Our Lady of Good Voyage, sinariwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 553 total views

Inihayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na labis ang paggabay ng Mahal na Birhen sa pananampalataya ng sangkatauhan.

Ayon kay Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity, isang magandang huwaran ng malalim na pananampalataya ang Mahal na Ina na unang sumunod sa kalooban ng Panginoon.

Ito ang pagninilay ng obispo sa ginanap na pagsariwa sa pagpuputong ng korona sa Our Lady of Peace and Good Voyage na ginanap sa Manila Cathedral nitong Hunyo 18, 2021.

“The reenactment of the coronation is an important sign of our devotion to the Our Lady of Antipolo; mahalaga ang ginagampanan ng Birheng Maria sapagkat pinupukaw niya ang ating pananampalataya sa Diyos,” ang bahagi ng pagninilay ni Bishop Pabillo.

Binigyang diin ng opisyal na malaki ang ginagampanang tungkulin ni Maria sa buhay ni Hesus mula sa pagsilang hanggang sa muling pagkabuhay nito na naghahatid ng pag-asang kaligtasan sa sanlibutan.

Nilinaw ni Bishop Pabillo na ang mga imahe ng simbahan ay paalala lamang sa bawat isa sa kabanalan at mabuting halimbawa na dapat tularan at isabuhay.

“Ang mga images sa ating simbahan tulad ng Mahal na Birhen ay pumupukaw sa ating pananampalataya, they inspired us; subalit ang mga kaloob ay nagmumula sa Diyos sa pamamagitan ng ating mga pagdarasal kasama ang mga banal,” giit ni Bishop Pabillo.

Batay sa kasaysayan dumating ang imahe ng Birhen ng Antipolo sa Pilipinas noong 1626 dala ng mga misyonero habang ginawaran ng canonical coronation noong 1926 o 95 taon ang nakalilipas.

Pinararangalan at kinilala ng mananampalatayang Filipino ang papel ni Maria sa pag-usbong ng kristiyanismo sa bansa sa nakalipas na 500 taon dahil sa patuloy na paggabay at paglapit ng sangkatauhan kay Hesus.

Hamon ni Bishop Pabillo sa bawat isa na tularan at isabuhay ang mga halimbawa ni Maria na buong puso at kababaang loob na tinanggap ang kalooban ng Ama.

Ang Pilipinas ay tinaguriang Pueblo Amante de Maria dahil sa masidhing pamimintuho ng mga Filipino sa Mahal na Birhen bilang masintahing ina ni Hesus at ng sanlibutan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 54,168 total views

 54,168 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 97,776 total views

 97,776 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 181,098 total views

 181,098 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 194,188 total views

 194,188 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top