Cardinal Advincula biyaya sa Archdiocese of Manila-Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 699 total reads

Isang biyaya ng Diyos para sa mananampalataya ng Arkidiyosesis ng Maynila si Cardinal Jose Advincula.

Ito ang mensahe ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples at dating arsobispo ng Maynila kay Cardinal Advincula na nakatakdang italaga sa Hunyo 24 bilang ika -33 arsobispo ng arkidiyosesis.

Payo ng opisyal ng Vatican kay Cardinal Advincula na manatiling tapat na pastol ng Panginoon na nakahandang maglingkod sa bayan ng Diyos.

“Cardinal Joe, don’t worry, you are God’s gift as you are and be who you are; ikaw ay tinawag ng Diyos para maglingkod at ikaw ang ibinigay sa napakabuhay na sambayanan ng Archdiocese of Manila,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Tagle.

Umaasa naman ang dating arsobispo na magkaisa ang mananampalataya sa pagtanggap ng bagong pinunong pastol ng arkidiyosesis at ipakita ang buhay na pananampalataya sa pamamagitan ng pagiging tapat na pagganap sa tungkulin bilang kristiyano at bahagi ng simbahan.

“Sana makita ni Cardinal Joe [Advincula] ang isang sambayanang buhay, isang tunay na bayan ng Diyos, katawan ni Kristo at templo ng Espiritu Santo upang maramdaman niya na marami siyang kasama at hindi siya maglalakad at magtatrabaho na mag-isa,” dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Hamon pa ni Cardinal Tagle sa mahigit tatlong milyong mananampalataya ng arkidiyosesis na seryosohin ang pakikinig sa Salita ng Diyos upang maisabuhay ito sa komunidad na kinabibilangan.

Sinabi pa nitong dapar seryosohin ang pananalangin at sakramento at higit sa lahat pagnilayan kung anong kaloob ang taglay ng bawat isa na maaring ibahagi sa kabuuang simbahang katolika.

Marso ng kasalukuyang taon nang italaga ni Pope Francis si Cardinal Advincula bilang kahalili ni Cardinal Tagle makaraang italaga ito sa Vatican.

Magiging katuwang ni Cardinal Advincula sa pangangasiwa sa 86 na mga parokya ng arkidiyosesis ang mahigit sa 600 mga pari at religious men and women.

Ang kabuuang pagdiriwang sa pagtatalaga ay matutunghayan sa social media pages ng The Manila Cathedral, TV Maria at Radyo Veritas Ph habang mapakikinggan din sa himpilan mula alas otso hanggang alas onse ng umaga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 59,128 total reads

 59,128 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 155,344 total reads

 155,344 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 199,613 total reads

 199,613 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 222,722 total reads

 222,722 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 295,253 total reads

 295,253 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top