Maging propeta ng katotohanan, huwag matakot sa trolls

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 889 total reads

Ang bawat binyagan ay kabahagi ni Hesus sa kanyang buhay at misyon na palaganapin ang kaharian ng Panginoon.

Ito ang binigyang diin ng bagong talagang pinunong pastol ng Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan na si Manila Auxilary Bishop Broderick Pabillo kaugnay sa isa sa tungkulin ng mga Kristiyano.

Ayon sa Obispo na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, tulad ni Hesus ang bawat binyagan ay maituturing din na mga propeta na ipinadala upang magpaalam, magpakilala at magpaliwanag ng Mabuting Salita ng Diyos.

“As Christians we share in the life and the mission of Jesus. So all of us baptized share in the kingship, in the priesthood and in the prophetic ministry of Jesus.” pahayag ni Bishop Broderick Pabillo.

Paliwanag ng Obispo, ang bawat isa ay maaaring magsilbing propeta mula sa kanilang kinabibilangan na mga grupo, pamilya, samahan sa pagkakaibigan, sa trabaho o maging sa komunidad.

Pagbabahagi ni Bishop Pabillo, hindi dapat ikahiya o magdalawang isip ang sinuman na magsalita ng totoo, o ibahagi ang Diyos upang mapalakas ng loob ng mga nalulumbay at maituwid ang mga nagkakamali sa buhay.

“Magsalita kayo ng totoo, huwag kayong mahiya o matakot na magsalita tungkol sa Diyos, palakasin ninyo ang loob ng mga nalulumbay at natatakot at ituwid naman ang nagkakamali. Iyan ang paraan ng inyong pagiging propeta. Let us talk about God again in our families and in our small circles.” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Partikular namang tinukoy ni Bishop Pabillo ang paggamit ng social media at internet bilang makabagong paraan ng pagiging propeta sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga Salita ng Diyos gayundin ang paninindigan sa katarungan at kabutihan kaugnay sa mga maling nagaganap sa lipunan at pulitika sa bansa.

Ayon kay Bishop Pabillo, “Ngayon isa pang venue ng pagiging propeta ay ang pagpost sa internet ng mga bagay na totoo, mga bagay tungkol sa katarungan at kabutihan. Magpost ng Salita ng Diyos. Manindigan para sa pananampalataya. Pati na ang politika ay usisain at suriin natin sa liwanag ng pananampalataya. Kaya huwag mahiya o matakot na magpost ng paninindigan na nakabase sa katotohanan at sa katuwiran kahit na sa larangan ng politika. Iyan ay iyong karapatan at ang politika din ay dapat liwanagan ng katotohanan.”

Binigyang diin naman ng Obispo na bagamat hindi madali na maging propeta sa kasalukuyang panahon kung saan nakaabang ang banta ng panghuhusga at maging kapahamakan.

“Hindi madali na maging propeta ngayong panahon natin na nandiyan nakaabang ang mga trolls na bina bash ang mga independent minded. Gustong takutin tayo at patahimikin. At iyan nga ang hindi magagawa sa propeta – na siya ay manahimik. Kahit na walang nakikinig, kahit na pinuputakti tayo ng mga bashers – we shall continue to speak in God’s name. God sends his prophets among his people. God’s voice cannot be silenced.” Paaala ni Bishop Pabillo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagat ng basura

 5,753 total reads

 5,753 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 30,024 total reads

 30,024 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 110,678 total reads

 110,678 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 212,406 total reads

 212,406 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 248,919 total reads

 248,919 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top