LASAC, nanawagan ng tulong para sa residenteng apektado ng Taal eruption

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 625 total reads

Patuloy ang panawagan ng Arkidiyosesis ng Lipa para sa mga lubhang apektadong residente ng pagliligalig ng Bulkang Taal.

Ayon kay Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC) Director, Fr. Jayson Siapco, hindi kailangan ang sobra upang makatulong, bagkus, anumang uri ng pagmamalasakit ay malaki ang maidudulot na epekto sa mga higit na nangangailangan basta’t ito’y bukal sa kalooban.

“Hospitality is not giving so much. It is giving you can and what you have,” ayon kay Fr. Siapco.

Kaugnay nito, hinihikayat ng Arkidiyosesis ang pagbubukas ng mga kinasasakupang Katolikong paaralan at simbahan upang maging pansamantalang evacuation centers.

Ito’y bunsod ng patuloy na pagdami ng bilang ng mga nagsisilikas kada araw, kung saan nagdudulot na ito ng pagsisiksikan at pahirapang pagpapatupad ng ilang COVID-19 health protocols sa evacuation centers.

Lubha ring ikinababahala ng simbahan ang kaligtasan dito ng mga babae at kabataan dahil sa ulat na magkahalo ang palikuran o comfort room ng babae at lalaki na karamiha’y mga menor de edad.

Dahil dito, hinihiling ang pagtatayo at paglalaan ng ‘safe spaces for women and for children’ upang higit na maging maayos at ligtas ang evacuation centers para sa kanila.

Samantala, naitala naman simula kaninang alas-dose ng madaling araw ang 26 na malalakas na paglindol sa Bulkang Taal kaugnay ng matitinding pag-usok at steaming sa Main Crater Lake, indikasyon na anumang oras ay muling puputok ang bulkan, katulad ng nangyari noong unang araw ng Hulyo.

Naitala rin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang 22,628 tonelada kada araw ng sulfur dioxide emission mula sa Bulkang Taal nitong Linggo, ang pinakamataas na antas kumpara sa mga ibinuga ng bulkan nitong nakaraang mga araw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 38,647 total reads

 38,647 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 144,472 total reads

 144,472 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 181,259 total reads

 181,259 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 211,835 total reads

 211,835 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 258,710 total reads

 258,710 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 56,681 total reads

 56,681 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top