Archbishop Garcera, ikinatuwa ang kagalakan ng mananampalataya na pisikal na makadalo sa banal na misa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 618 total reads

Higit na mas nararamdaman ang presensya ng Panginoon kapag tunay na natanggap ang banal na Eukaristiya.

Ito ang binigyang-diin ni Lipa Archbishop Gilbert Garcera hinggil sa kaibahan ng personal na pagdalo sa banal na Misa, kumpara sa online o virtual mass.

Ayon sa Arsobispo, kanyang napansin sa mga mananampalataya, lalung-lalo na sa mga matatanda ang pananabik at kagalakan noong natanggap na ang katawan ni Kristo, makalipas ang isang taong pagkakakulong sa mga tahanan at hindi personal na nakadadalo sa mga banal na pagdiriwang dulot ng patuloy na pag-iral ng pandemya.

“Alam n’yo po sa mga nakaaraang buwan, 30-percent lamang ang inapproved ng gobyerno tungkol sa pagsisimba. At sa mga nagsisimba, matutuwa kayo sapagkat maraming tao sa kanilang first time after one year, nung mangumunyon [ay] umiiyak. Tuwang-tuwa, galak na galak sapagkat hindi maihahambing ang tunay na pagsimba sa simbahan… [kumpara sa] virtual mass,” bahagi ng katesismo ni Archbishop Garcera.

Bagamat patuloy ang pagsasagawa ng online at virtual mass, mas hinihikayat ni Archbishop Garcera ang bawat mananampalataya lalo na ang mga kabataan na sikaping personal na makadalo sa mga banal na pagdiriwang lalo na’t pinahihintulutan na ng pamahalaan ang 30-porsyento ng kapasidad sa religious activities.

“Sa mga kabataan, huwag n’yong isipin na pwede o sapat na ang virtual mass. Kahit na matapos na ang pandemya, mas piliin pa rin nating personal na dumalo sa mga banal na misa at buong pusong tanggapin ang katawan ni Kristo,” ayon kay Archbishop Garcera.

Dalangin naman ni Archbishop Garcera na nawa’y tuluyan nang matapos ang pandemyang ito at muli nang makapagsagawa ng banal na misa kasama ang lahat ng mga mananampalatayang nananabik na matanggap si Kristo.

“Hingin po ninyo ang biyaya na harinawa ang taimtim na pagnanais na darating ang panahon, magsisimba rin kami kasama ang pamilya. Magsisimba rin kami at tatanggapin ang katawan ni Hesus. Kung kaya’t ipagdasal po natin na matapos na ang pandemyang ito at bumalik na tayo sa simbahan upang tanggapin si Hesus sa komunyon,” dalangin ng Arsobispo.

Patuloy na sinisikap ng simbahan ang pagpapatupad ng health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, maging ang physical at social distancing sa loob ng mga simbahan upang mapanatili ang kaligtasan ng mga mananampalataya laban sa COVID-19 transmission.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 70,763 total reads

 70,763 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 111,322 total reads

 111,322 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 135,115 total reads

 135,115 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 183,383 total reads

 183,383 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 202,738 total reads

 202,738 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 130,951 total reads

 130,951 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top