Lokal na pamahalaan ng Alfonso Cavite, nakahandang kupkupin ang Taal evacuees

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 853 total reads

Nakahanda ang lokal na pamahalaan ng Alfonso, Cavite para sa mga magsisilikas na residente mula sa Laurel, Batangas na apektado ng pagliligalig ng Bulkang Taal.

Ayon kay Alfonso Local Disaster Risk Reduction and Management Office Assistant Margaret Credo, magmula nang itaas sa Alert level 3 ang Bulkang Taal ay agad nang naghanda ang LGU para sa mga magsisilikas na residente sakaling lumala ang sitwasyon ng bulkan.

Nakatakdang kupkupin ng Alfonso LGU ang mga residente mula sa Poblacion 3, 4, at 5 ng bayan ng Laurel.

“Sa ngayon, upon declaring Alert Level 3, ang Incident Management Team ay naka-alert na… Ang ica-cater lang ng Alfonso ay from Poblacion 3, 4, at 5 ng Laurel. As of now, wala pa tayong evacuees kase hindi pa din pinapa-evacuate ‘yung mga taga-Poblacion,” bahagi ng pahayag ni Credo sa panayam ng Radio Veritas.

Paliwanag ni Credo na sa oras na magsilikas na ang mga apektadong residente, kinakailangan muna ng mga ito na sumailalim sa swab testing at mag-negatibo ang resulta bago dalhin sa mga nakatalagang evacuation centers.

Sakaling may magpositibo sa mga evacuees, ang asymptomatic patient ay ililipat sa Oplan Kalinga sa Hacienda Isabella sa Indang, Cavite; habang ang symptomatic patient naman ay dadalhin sa Carmona, Cavite o sa Regional Isolation Facility sa Laguna.

“Meron [nang] mga nakaduty (rescuers) sa pick-up point natin which is ‘yung Montevideo de Tagaytay, tsaka sa swabbing Area natin sa Pansin Elementary School. Meron tayong walong (8) schools na evacuation centers (EC) na mag-cater ng 150 individuals, tapos ‘yung evacuation center sa [Barangay] Buck Estate ay 200 individuals. Bago sila dalhin sa designated ECs nila ay dapat negative ang swab nila,” ayon kay Credo.

Dagdag pa ni Credo na sa mga evacuation centers ay mayroon na ring mga nakahandang kagamitan para sa mga evacuees.

“Meron na ding naka-prepare na mga gamit nila, like hygiene kits, sleeping gears, at gamit sa kitchen. Kasi bawat EC, may designated kitchen na pwede nilang gamitin sa pagluluto,” saad ni Credo.

Samantala, sinimulan nang abisuhan ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC) ang mga kinatawan at miyembro ng Unified Schools in the Archdiocese of Lipa (USAL), gayundin ang Lipa Diocesan Catholic Schools Association (LIDICSA) at mga administrador ng katolikong mga paaralan.

Ito’y upang makapaglaan ng angkop at ligtas na silid-kanlungan para sa mga magsisilikas na residente, lalo’t kaakibat din ng panganib na dala ng aktibidad ng Bulkang Taal ay ang banta naman ng COVID-19.

Patuloy namang humihiling ng tulong at panalangin ang Arkidiyosesis ng Lipa para sa kaligtasan ng buong lalawigan ng Batangas, lalung-lalo na ang mga residenteng lubhang apektado ng pagliligalig ng bulkan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 94,082 total reads

 94,082 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 177,112 total reads

 177,112 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 271,442 total reads

 271,442 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 333,126 total reads

 333,126 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 374,480 total reads

 374,480 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 213,278 total reads

 213,278 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top