Pope Francis, nagpapasalamat sa mga nagdarasal sa kanyang mabilis na paggaling

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 566 total reads

Nagpasalamat ang Kanyang Kabanalan Francisco sa mga nagpaabot ng panalangin para sa kanyang agarang paggaling. Ito ang ibinahagi ni Vatican spokesman Matteo Bruni makalipas ang tatlong araw mula nang ma-ospital ang Santo Papa dahil sa opera sa colon.

“Pope Francis is touched by the many messages and the affection received in these days, and expresses his gratitude for the closeness and prayer,” bahagi ng pahayag ni Bruni.

Ibinahagi pa ng tagapagsalita na nasa maayos na kalagayan si Pope Francis at kasalukuyang nagpapagaling sa Gemelli University Hospital sa Roma.

Sinabi pa ni Bruni na maayos na ring nakakain ang Santo Papa habang pansamantalang ipinagpaliban ang infusion therapy.

Inopera ang pinunong pastol ng simbahan sa colon noong Hulyo 4 dulot ng diverticulitis kung saan tumagal ng tatlong oras ang pag-opera kabilang na ang hemicolectomy o ang pagtanggal sa isang bahagi ng colon.

Ibinahagi pa ni Bruni sa publiko na kumpirmadong ‘severe diverticular stenosis with signs of sclerosing diverticulitis’ ang resulta sa final histological examination.

Ito ang kauna-unahang major operation ni Pope Francis sa loob ng walong taong paninilbihan bilang punong pastol ng simbahan maliban sa cataract operation noong 2019.

Nagpaabot naman ng panalangin ang mga lider ng iba’t ibang pananampalataya, grupo at denominasyon kabilang na si Pope Emeritus Benedict XVI sa dagliang paggaling ni Pope Francis mula sa karamdaman. Inaasahang mananatili pa ng pitong araw ang Santo Papa sa pagamutan para tuluyang gumaling.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 39,203 total reads

 39,203 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 144,986 total reads

 144,986 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 181,773 total reads

 181,773 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 212,349 total reads

 212,349 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 259,206 total reads

 259,206 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top