Bishop David, nahalal na pangulo ng CBCP

SHARE THE TRUTH

 366 total views

Nahalal si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David bilang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Napiling bagong pangulo ng CBCP si Bishop David nitong Hulyo 8 sa unang araw ng virtual plenary assembly ng mga obispo sa bansa.

Si Bishop David ang kasalukuyang vice president ng CBCP na nanilbihan ng apat na taon o dalawang termino.

Kilala ang obispo bilang ‘bible scholar’ ng bansa kung saan pinamunuan na rin nito ang Biblical Apostolate Commission ng CBCP at aktibo sa pagsusulong ng mga programa sa munting pamayanan sa kanyang diocese kabilang na ang pagtatatag ng mga mission stations.

Taong 2006 nang italaga si Bishop David bilang katuwang na obispo ng Archdiocese of San Fernando Pampanga habang 2016 nang maitalagang pinunong pastol ng Kalookan.

Aktibo ang obispo sa pagtataguyod sa dignidad ng mamamayan at pagtatanggol sa karapatang pantao lalo na sa gitna ng madugong war on drugs ng kasalukuyang administrasyon.

Si Bishop David ay isa rin sa limang obispo na dumalo sa Synod of Bishops on the Word of God na ginanap sa Vatican noong 2008.

Regular ding mapakikinggan ang obispo sa Radio Veritas sa kanyang monthly pastoral visit on the air sa programang Barangay Simbayanan. Samantala, hinirang naman na Vice President ng CBCP si Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara na kasalukuyang kasapi ng CBCP Permanent Council.

Si Bishop Vergara ay naging pangulo ng Radio Veritas 846 noong 2002 hanggang 2005 bago italagang obispo ng San Jose Nueva Ecija. 2011 naman ng hirangin si Bishop Vergara bilang obispo ng Pasig.

Ang mga bagong opisyal ng CBCP ay pormal na maglilingkod sa Disyembre 1, 2021 at mamumuno sa susunod na dalawang taon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pampersonal o pambayan?

 17,032 total views

 17,032 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 59,246 total views

 59,246 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 74,797 total views

 74,797 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 88,045 total views

 88,045 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 102,457 total views

 102,457 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Sa digmaan, lahat ay talunan

 36,004 total views

 36,004 total views Nanindigan ang Office on Stewardship ng Catholic Bishops’Conference of the Philippines na walang mabuting idudulot ang digmaan sa lipunan kundi pagkawasak at pagkakahati-hati.

Read More »
Scroll to Top