Living Laudato Si Philippines nagpaabot ng pagbati kay CBCP President elect Bishop David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 519 total reads

Nagpaabot ng pagbati ang grupong Living Laudato Si – Philippines kay Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang bagong pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Ayon kay Rodne Galicha, Executive Director ng grupo na nawa’y si Bishop David ay pagkalooban pa ng Panginoon nang katatagan upang maging epektibong pinuno ng simbahan na bibigyang-pansin ang kahalagahan ng mga turo at aral nito sa pagpapalaganap ng pananampalataya.

Dagdag pa ni Galicha na nawa’y maging instrumento rin ito ng Obispo upang maitaguyod ang pagpapanatili at pangangalaga sa mga likas na yamang nilikha ng Diyos, gayundin ang pagmamalasakit ng simbahan para sa mga mahihirap.

“It is our hope and prayer that his leadership would lead in sustaining actions for integral ecology and conversion, preservation of the integrity of God’s creation, and the building of the Church of the Poor,” bahagi ng mensahe ni Galicha sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat ang grupo kay outgoing CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles na naging pinuno ng kapulungan sa loob ng apat na taon o dalawang termino.

Pagbabahagi ni Galicha na sa ilalim ng pamumuno ni Archbishop Valles ay ipinakita nito ang pagpapahalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng 2019 Pastoral Letter on Ecology na nagsasaad ng pagtalima ng Simbahang Katolika sa bansa sa ensiklikal na Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco.

“We also take this chance to express our gratitude to the outgoing President, Davao Bishop Romulo Valles for dedicating his years of service as the lead shepherd of CBCP. Under his leadership, we saw the issuance of the 2019 Pastoral Letter on Ecology which outlines contextual actions on Pope Francis’ encyclical Laudato Si’,” saad ni Galicha.

Ipinapangako naman ng grupo na patuloy itong makikipagtulungan sa mga pinuno ng simbahan tungo sa pagpapalaganap ng wastong pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

Si Bishop David ang kasalukuyang Vice President ng CBCP na nanilbihan din ng apat na taon o dalawang termino. Kaugnay nito, hinirang naman bilang bagong Vice President ng CBCP si Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, na kasalukuyang kasapi ng CBCP Permanent Council.

Ang mga bagong opisyal ng CBCP ay pormal na maglilingkod sa Disyembre 1, 2021 at mamumuno sa susunod na dalawang taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 78,139 total reads

 78,139 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 118,698 total reads

 118,698 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 141,858 total reads

 141,858 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 190,126 total reads

 190,126 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 209,164 total reads

 209,164 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 131,374 total reads

 131,374 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top