Pag-alis ng “arancel system” dahilan ng pagtatatag ng Episcopal Office on Stewardship ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 652 total reads

Magpupulong ang mga opisyal ng Episcopal Office on Stewardship ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Ito ang ibinahagi ni Taytay Palawan Bishop – designate Broderick Pabillo sa Radio Veritas kasunod ng pagkakahalal nito bilang chairman ng bagong tatag na komisyon ng CBCP.

Ayon sa obispo tatalakayin nito ang mga guidelines at mga programa ng komisyon na tututok sa pagpapalawak ng ‘stewardship’ sa mga diyosesis at mga simbahan sa buong bansa.

“Magpupulong pa kami next week para pag-usapan ang tungkol dito sa stewardship office,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Ayon kay CBCP Secretary General Msgr. Bernardo Pantin, ang pagbuo sa stewardship office ay naglalayong matulungan ang mga diyosesis sa pagpapatupad ng mga programa kasabay ng pagbuwag ng arancel system ng simbahan.

Matatandaang 2017 nang maglabas ng pastoral letter ang Ecclesiastical Province of Manila hinggil sa ‘stewardship’ at ang pagtanggal ng arancel system batay na rin sa Second Plenary Council of the Philippines.

Muling pinagtibay ng CBCP ang nasabing kautusan bilang kaloob sa mananampalataya sa pagdiriwang ng 500 Years of Christianity ng bansa.

Sa pastoral statement ng CBCP nitong Enero tiniyak nito ang paghuhubog at katesismo sa ‘spirituality of stewardship’ sa mga pari, relihiyoso at higit sa lahat sa mga layko.

Ang arancel system ay kaukulang bayad sa mga sakramento bilang tulong sa patuloy na pagpapatakbo at gastusin ng simbahan.

Bago pamunuan ni Bishop Pabillo ang stewardship office ng CBCP,siya rin ang kasalukuyang pinuno ng Commission on the Laity na magtatapos ang termino sa Nobyembre 30, 2021.

Bukod sa Archdiocese of Manila na nagtanggal ng arancel system, inalis na rin ito ng Diyosesis ng Balanga at maging sa ilang diyosesis sa Visayas at Mindanao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 9,176 total reads

 9,176 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 48,735 total reads

 48,735 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 84,035 total reads

 84,035 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 310,304 total reads

 310,304 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 203,116 total reads

 203,116 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top