Archdiocese of Lipa, nagpapasalamat sa mga nagpapaabot ng tulong para sa Taal evacuees

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 674 total reads

Labis na nagpapasalamat ang Archdiocese of Lipa sa mga tulong na kanilang natatanggap para sa mga naapektuhan ng pagliligalig ng Bulkang Taal.

Ayon kay Lipa Social Action Director Rev. Fr. Jayson Siapco, sila ay nagagalak sa patuloy na malasakit ng mga kapanalig na nagbabahagi ng kanilang tulong mula pa nang unang pumutok ang Bulkang Taal hanggang sa kasalukuyan.

Naniniwala si Fr. Siapco na lalo pa nilang kakailanganin ang pagtutulungan na ito sakaling lumala ang sitwasyon sa Bulkang Taal kung saan sa kasalukuyan ay nakataas ang alert level 3.

“Mga kapanalig, alam po namin na kayo ay unang mga kapanalig namin na dumadamay sa amin, unang nagmalasakit sa Archdiocese of Lipa noong isang taon at alam ko ngayon patuloy pa din kayo sa pagdamay sa amin sa mga sitwasyon na ito, kaya ako una ay nagpapasalamat sa inyo at ikalawa nananawagan sa mga patuloy na tulong,” pahayag ni Fr. Siapco.

Inihayag ng Pari na bukas ang kanilang tanggapan para sa anumang tulong na nais ipahatid sa mga residente na inilikas dahil sa banta ng bulkan.

“Pwede nyo po kami ulit padalhan ng mga tulong mula sa inyong mga pagsisikap at sakripisyo para sa ating mga kapatid na nasa evacuation center at maaaring maapektuhan pa ng Bulkang Taal. Tayo ay naghahanda at sa ating paghahanda tulad ng sinasabi ng mga government agencies we are expecting for the worst situation sapagkat ang sitwasyon po ng taal ay hindi maganda kaya’t puspusan ang paghahanda at pagtulong ng iba’t ibang ahensya kasama na din ang iba’t ibang diyosesis at ahensya ng simbahan,” pahayag ng tagapamuno ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission.

Tiniyak naman ni Fr. Siapco ang suporta at pagdarasal ni Lipa Archbishop Gilbert Garcera para sa mga naapektuhan ng pagliligalig ng Bulkang Taal.

Nagpapasalamat aniya ito sa mga tulong at panalangin na kanilang natatanggap mula sa mga kapanalig.

Batay sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Batangas, higit sas 1,252 na mga pamilya ang nananatili ngayon sa mga evacuation centers habang nasa 2,531 na pamilya ang pansamantalang nakituloy sa kanilang mga kamag-anak.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 5,547 total reads

 5,547 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 45,137 total reads

 45,137 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 80,564 total reads

 80,564 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 306,834 total reads

 306,834 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 199,927 total reads

 199,927 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,082 total reads

 111,082 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top