Pagbabakuna laban sa COVID-19 ay para sa kaligtasan ng lahat-Bishop Bancud

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 570 total reads

Ang pagpapabakuna laban sa COVID-19 virus ay hindi lamang para sa pansariling kapakanan kundi para sa kaligtasan ng mas nakararami.

Ito ang panawagan ni Diocese of Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud kaugnay sa patuloy na Anti-COVID19 Vaccination Roll Out Program ng pamahalaan.

Ayon sa Obispo na siya ring out-going chairman ng CBCP-Episcopal Commission for the Biblical Apostolate (ECBA), hindi dapat mag-atubili ang bawat isa na magpabakuna para sa kaligtasan ng lahat.

“Ito siguro ay magandang panawagan para sa ating mamamayan at lalong lalo na ang mga mananampalataya, ito naman [COVID-19 Vaccine] ay this is offered to us at importanteng gamitin natin ito upang hindi lamang para sa ating kapakanan kundi kapakanan ng nakararami. So huwag tayong mag-atubili [na magpabakuna] totoong may mga exceptional lang naman yung mga naririnig natin but what’s important ay tayo ay makiisa sa ganitong mga panawagan ay makatutulong ito sa nakararami lalo na para sa ating lipunan.” pahayag ni Bishop Bancud sa Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Bishop Bancud nakatakda sa ika-22 ng Hulyo, 2021 ang kanyang pagtanggap ng second dose ng AstraZeneca kung saan wala siyang anumang naramdamang adverse effects ng bakuna matapos na matanggap ng unang dosage.

Unang inihayag ng Department of Health na kinakailangang mabakunahan ang nasa 70% ng mahigit 110 milyong populasyon ng mga Filipino ngayong taon upang makamit ang herd immunity mula sa COVID-19 virus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 33,568 total reads

 33,568 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 69,586 total reads

 69,586 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 295,856 total reads

 295,856 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 189,323 total reads

 189,323 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 281,579 total reads

 281,579 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top