SJAM, ilulunsad ng Diocese of Baguio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 752 total views

Iliulunsad ng Our Lady of the Atonement Cathedral ng Diyosesis ng Baguio ang saints Joachim and Anne Ministry (SIAM) sa July 24, 2021.

Batay sa Circular 07 – 2021 ng diyosesis naitatag ang grupo nang magsimula ang coronavirus pandemic para suportahan ang pangangailangan ng mga lolo, lola at nakatatanda sa lipunan.

Ito rin ay magandang pagkakataon lalo’t ipagdiriwang ng simbahan sa July 25 ang kauna-unahang World Day of Grandparents and Elderly alinsunod sa kautusan ng Kanyang Kabanalan Francisco.

Tema sa pagdiriwang ang ‘I am with you forever’ kung saan hinimok ni Bishop Victor Bendico ang mga simbahang nasasakupang na magsagawa ng mga programang angkop sa programa.

“If opportunity and inspiration provide, kindly organize a meaningful activity for our Grandparents and Elderly,” bahagi ng liham circular ni Bishop Bendico.

Iniatas din ng obispo sa mga parokya na dasalin ang panalangin para sa mga nakatatanda na inihanda ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines pagkatapos ng komunyon.

Bukod pa rito hinikayat din ni Bishop Bendico ang mga parokya na lumikha ng ministry na nakatuon sa matatanda ng komunidad tulad SIAM para pangalagaan ang kanilang pangangailangan.

Kaugnay sa paglulunsad ng SIAM magsisimula ang mga gawain alas otso ng umaga habang alas onse naman ang banal na misa na pangungunahan ng obispo.

Mahigpit pa ring ipatutupad ng diyosesis ang safety health protocol para sa kaligtasang pangkalusugan ng mamamayan lalo na ng matatanda na lubhang mapanganib mahawaan ng COVID-19.

Una nang kinilala ni Pope Francis ang mga matatanda sa lipunan bilang katuwang ng simbahan sa pagpapadaloy ng pananampalataya hanggang sa susunod na henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 91,136 total views

 91,136 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 91,136 total views

 91,136 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 91,136 total views

 91,136 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 88,407 total views

 88,407 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 80,771 total views

 80,771 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top