Best Chaplain Service at Best Chaplain personnel, pinarangalan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 601 total reads

Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Lorenzo Eleazar ang pagdiriwang ng ika-29 na anibersaryo ng PNP-Chaplain Service.

Isinagawa sa PNP Multi-Purpose Center sa Camp Brigadier General Rafael T. Crame, Quezon City ang payak na programa para sa anibersaryo na mayroong temang ‘Strengthening the Faith and Providing Psychospiritual Needs of the PNP Personnel Amidst Pandemic’.

Ayon kay PNP Chaplain Service Director, Police Brig. General Rev. Fr. Jason Ortizo, makakaasa ang pamunuan ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa pagsasakatuparan ng mandato ng PNP-Chaplain Service na gabayan ang mga kawani ng institusyon upang maging mabuting alagad ng batas.

Ibinahagi ni Fr. Ortizo na makalipas ang 29 na taon ay higit pang palalawigin ng PNP-Chaplain Service ang mga programa nito hindi lamang para sa mga kawani ng PNP na mga Kristiyano kundi maging para sa lahat at maging sa kanilang mga dependents o mga mahal sa buhay.

“It is with great honor and we are proud to proclaim that after 29 years the Chaplain Service has reached another milestone of pastoral services, as well as spiritual guidance and counseling to all PNP personnel and dependents regardless of any religious affiliation, through the years we carried out our primary responsibility abreast with our vision to attain a God-centered, service-oriented and family based PNP personnel,” pahayag ni Fr. Ortizo.

Sinabi ni Fr. Ortizo ba maituturing ang PNP-Chaplain Service bilang puso ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na patuloy na nagpapalakas sa pintig ng integridad ng institusyon at nagdadala sa mga kawani nito sa tamang direksyon.

“If we were to consider the PNP organization as one living entity, the Chaplain Service would stand as its heart, the heart that beats the integrity of the PNP institution, we would be the pilot that steers the integrity compass of the PNP personnel and their dependents,” dagdag pa ni Fr. Ortizo.

Nagsilbi namang panauhing pandangal sa pagdiriwang ng anibersaryo ng PNP-Chaplain Service si Diocese of Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – National Chairman ng NASSA/Caritas Philippines na siyang nanguna sa pagbibigay ng pagkilala sa Best Chaplain Service (CHS) Office at Best Chaplain Service Personnel mula sa iba’t ibang rehiyon.

Binigyang parangal din sa anibersaryo ang mga indibidwal mula sa iba’t ibang grupo dahil sa kanilang kontribusyon sa PNP-Chaplain Service lalo na sa mga usaping moral at ispiritwal.

Kabilang sa nabigyan ng pagkilala ang NASSA Caritas Philippines dahil sa suporta nito partikular na sa programang Ugnayan ng Simbahan at Pulisya (USAP) na tinanggap ni Rev. Fr. Anotonio Labiao Jr. – Executive Secretary of NASSA/Caritas Philippines.

Sa tala, aabot sa 190,000 ang bilang ng mga kawani ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na ginagabayan ng PNP-Chaplain Service mula sa iba’t ibang rehiyon sa buong bansa.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 24,392 total reads

 24,392 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 45,729 total reads

 45,729 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 83,106 total reads

 83,106 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 114,374 total reads

 114,374 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 188,642 total reads

 188,642 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 280,596 total reads

 280,596 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 27,643 total reads

 27,643 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top