PNP at CBCP, naglabas ng joint statement sa pagpapatatag sa USAP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 779 total reads

Pormal nang ibinahagi ng social action arm ng Catholic Bishops’ Conferences of the Philippines at Philippine National Police ang joint statement ng dalawang institusyon kaugnay sa pagpapatatag ng programang ‘Ugnayan ng Simbahan at Pulisya’ (USAP).

Pinangunahan ni Caritas Philippines National Director Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace at PNP Chief Police General Guillermo Lorenzo Eleazar ang higit na pagpapaigting ng ugnayan at pagtutulungan ng Simbahan at pulisya para sa kapakanan ng bayan kasabay ng pagdiriwang ng ika-29 na anibersaryo ng PNP-Chaplain Service.

Una ng nilagdaan ng social action arm ng CBCP at pamunuan ng PNP ang naturang Memorandum of Understanding noong ika-28 ng Hunyo, 2021 bilang bahagi na rin ng patuloy na paggunita sa 500 years of Christianity in the Philippines at 29th Founding Anniversary ng Philippine National Police – Chaplain Service.

Ayon kay Bishop Bagaforo, bahagi rin ng kasunduan ang maayos na pagtutulungan ng Simbahan at ng pulisya para sa nakatakdang halalan sa susunod na taon.

“Sa aking palagay itong ginawa namin na Memorandum of Understanding with the Philippine National Police sa pamamagitan ng pag-strengthen nitong USAP magiging malaki ang impact at magiging malaki ang magiging tulong sa ating lipunan at saka sa darating na halalan on May 2022,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Pagbabahagi ni Bishop Bagaforo, mahalaga ang ugnayan at pagtutulungan ng dalawang institusyon upang matiyak ang kaayusan, katapatan at kapayapaan sa nakatakdang halalan sa May 2022 lalo na sa mga lugar kung saan mas lantad ang panganib hindi lamang para sa mga kandidato at nangangasiwa ng eleksyon kundi maging sa mga botante.

“Malaki ang magiging tulong kung sa ganitong hangarin, kung ang Simbahan at pulisya ay magtutulungan sapagkat alam naman natin in some areas ay maraming mga gusot, maraming mga hindi kanais-nais na pangyayari. Kapag itong dalawang institusyon sa aking palagay ang Simbahan saka ang pulisya ay magkaisa at magtulungan mas magiging madali na maresolve kung meron mang mga conflicts at mas madali mabigyan ng solusyon kung meron mang kinakailangan na mabigyan ng lunas sa mga in the conduct or during the election,” dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Layunin ng higit na pagpapaigting sa Ugnayan ng Simbahan at Pulisya (USAP) na magkaroon ng mas matibay na pagtutulungan ang mga otoridad at mga opisyal ng Simbahan hindi lamang ng mga Kristyano’t Katoliko kundi maging sa iba pang mga denominasyon sa buong bansa.

Bahagi rin ng layunin ng USAP na mas matutukan pa ang spiritual transformation o pagpapabago sa pananaw ng nasa 190,000 mga kawani ng PNP sa kanilang misyon na protektahan ang lipunan sa isang makatao at maka-Diyos na pamamaraan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 37,667 total reads

 37,667 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 264,010 total reads

 264,010 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 157,477 total reads

 157,477 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 251,508 total reads

 251,508 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 293,952 total reads

 293,952 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top